Hollywood nalagasan ng magaling na writer-director
Nagluluksa ngayon ang Hollywood dahil sa pagpanaw ng Oscar-award-winning Hollywood veteran –writer-director-producer na si Jonathan Demme na nakilala nang husto sa pelikulang Silence of the Lambs na nagpapanalo sa kanya ng Best Director sa Oscars at siya ring pinarangalan bilang Best Picture at Best Actors sa lead stars na sina Anthony Hopkins and Jodie Foster in 1991. He is also best known bilang director ng AIDS movie na Philadelphia in 1993 na tinampukan nina Tom Hanks at Denzel Washington at nakapag-uwi rin ng maraming awards mula sa Oscars at kasama na rito ang Best Actor kay Tom.
Ang veteran director ay sumakabilang-buhay noong Miyerkules, April 26 sa edad na 73 sa New York City, USA kung saan siya naka-base kasama ang kanyang second wife na si Joanne Howard at tatlong anak.
‘Anak’ ni Kuya Germs pasisikatin ng Viva
Mukhang isa si Rhen Escaño sa gustong tutukan ngayon ng Viva Films.
Kamakailan lamang ay ipinatawag ni Boss Vic del Rosario si Rhen sa kanyang tanggapan at inilatag niya ang kanyang plano sa dalaga at dating mainstay ng Walang Tulugan with the Master Showman at discovery ng namayapang star builder na si German “Kuya Germs” Moreno.
Napakaganda at napaka-sexy ni Rhen.
Bilang simula, sasailalim si Rhen sa series of acting workshop bilang paghahanda sa mga proyekto na ipagkakatiwala sa kanya ng Viva.
Nakapag-guest na rin si Rhen sa ilang TV series ng GMA.
Bukod sa acting, advantage rin kay Rhen ang pagiging mahusay niyang singer at dancer at marunong din siyang mag-host.
Nakagawa na rin si Rhen ng indie movie, ang Magdalola ng Cinema One Originals at ilang TV commercials.
Naniniwala si Rhen na may kanya-kanyang panahon ang pagsikat ng isang artista o talent at naniniwala siya na darating din sa kanya ang tamang panahon.
- Latest