^

PSN Showbiz

Daniel sinorpresa ng mga kaibigan pelikula ni Iza pang-tibo!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Touchy sa isa’t isa sina Julian Trono at Ella Cruz sa presscon nila kahapon. Kompor­table dahil matagal nang magkaibigan ang paliwanag nina Julian at Ella tungkol sa closeness nila.

SCENE: Parang hindi umaarte si Audie Gemora sa mga eksena niya sa Bliss. Parlorista na direktor ang role ni Audie sa pelikula ni Iza Calzado.

SEEN: Magugustuhan ng mga tomboy ang plot ng Bliss dahil makaka-relate sila sa mga eksena ng aktres na gumanap na nurse sa pelikula.

SCENE: Global Achievement by a Filipino Actress ang bagong award na naisip na ibigay kay AiAi delas Alas ng mga organizer ng 48th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation dahil sa acting trophy na napanalunan niya sa Queens World Film Festival sa New York.

SEEN: Ang dugyot look ni Jake Cuenca sa presscon ng Ikaw Lang Ang Iibigin ng ABS-CBN. Dapat nang ire-invent ni Jake ang physical appearance at ibalik ang kanyang artista look.

SCENE: Si Iza Calzado ang cover girl ng May issue ng YES! magazine at binuksan niya sa publiko ang condominium unit niya sa Salcedo Village, Makati City.

SEEN: Ngayon ang 22nd birthday ni Daniel Padilla at isang birthday party ang sorpresa sa kanya ng pamilya at mga kaibigan niya noong Lunes.

SCENE: R-18 ang classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Bliss kaya hindi ito maipalalabas sa mga sinehan ng SM Malls. “Sadness” ang reaksyon ni Iza sa kapalaran ng kanyang critically-acclaimed movie.

vuukle comment

JULIAN TRONO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with