Jake pinasusuko kay Andi!
Sino nga kaya ang makakapagpatigil sa walang katapusang tirada sa isa’t isa nina Andi Eigenman at Jake Ejercito?
Dapat siguro ay magsimula ito kay Jake na dapat magpamalas ng pagkamaginoo sa pamamagitan ng hindi pagpatol sa ina ng kanyang anak na si Ellie.
Wala naman silang dapat pag-awayan dahil ayon kay Andi ay hindi naman niya tinututulan ang mga gustong mangyari ni Jake sa kanilang anak, so bakit dinala pa niya ito sa korte na magbibigay ng malaking problema sa gastos ni Andi?
Anak nina Richard at Lucy sasabak sa Palarong Pambansa!
May dahilan pala para ipagmalaki nina Mayor Richard Gomez at Cong. Lucy Torres-Gomez ang unica hija nilang si Juliana Gomez dahil kalahok ito sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Iloilo.
Fencing ang sport ng anak ng mag-asawang pulitiko na siguradong nakuha nito sa kanyang ama na noong kabataan ay nag-excel din sa fencing at naging kinatawan ng bansa sa mga sports competition sa abroad.
Kasali rin sa Palarong Pambansa ang panganay nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan. Swimming naman ang sport ng batang huling nakita sa isang komersyal ng mineral water kasama ng kanyang ina.
Julian at Ella pasisikatin
Gagawin pa lang loveteam ng Viva Films sina Julian Trono at Ella Cruz. May promise dahil pareho namang magaling sumayaw ang dalawa. Meron silang one common denominator.
‘Yun nga lang kabilang sila sa magkalabang network bagaman at nakakalabas na si Ella sa ibang istasyon other than Kapamilya dahil marahil nagtapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN at hindi pa siya nakakapag-renew.
Pumatok ang minsan ay pagpa-partner nila ng Kapusong si Julian, at nakita ng Viva ang malaking potensyal na pagsamahin sila. Pareho namang single ang dalawa dahil naagaw kay Julian ni Benjamin Alves si Julie Anne San Jose at hindi naman nag-prosper ang unang ibini-build up sana na ka-loveteam ni Ella na si Francis Mangundayao.
Loisa at Sharlene may nakatakdang bakbakan
Sa rami ng mga Kapamilya na bagets na nagre-recording, hindi malayong sila-sila rin ang magiging magkakalaban, sa pagalingan, sa pagkanta at sa bentahan ng album.
Dalawa sa pinaka-latest na gumawa ng recording ay ang mga debutantes na sina Loisa Andalio at Sharlene San Pedro. Nagkaro’n ng coming out party ang PBB alumna pero pagkatapos nito ay ang pagpu-promote niya ng kanyang recording.
Nag-18 din ang dating child star na si Sharlene at ngayon ay dalaga na pero, mas pinili niya na ang dapat na gastusin niya sa pagdaraos ng isang debut ay gamitin na lamang niyang pamasahe sa binabalak niyang byahe sa Australia kasama si Miles Ocampo.
Habang hindi pa sila umaalis ay pinaghahandaan na ni Sharlene ang release ng kanyang album under Yellow Room Music Philippines na ang target ay mga kabataan na tulad niya na makaka-relate ng husto sa mga hugot songs na kinanta niya.
- Latest