^

PSN Showbiz

Lotlot naghihintay ng alok na kasal sa Lebanese bf

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Last Sunday afternoon, April 23 ay na­ging special guest ang 1st Sem lead star na si Lotlot de Leon sa aming Inside Showbiz radio program ni Shalala and Joseph Gonzales sa DZRJ ng 8 TriMedia Broadcasting Network at masaya nitong ibinalita na paalis siya kahapon, Lunes, kasama ang isa sa director ng pelikula na si Allan Ibanez para dumalo sa ika-50th WorldFest Houston International Film Festival na gaganapin sa Houston, Texas bukas, April 26 na siya ring araw ng pagbubukas ng pelikula sa mga sinehan (nationwide) sa Metro Manila.

Ang 1st Sem ay kauna-unahang indie movie na ginawa ni Lotlot at ito rin ang nakapagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang international Best Actress award mula sa All Lights India International Film Festival na gina­nap sa Hyderabad, India noong nakaraang taon. 

Sa susunod naman na buwan ay kalahok din ang 1st Sem sa special selection ng 5th Seoul Guro International Kids Film Festival sa Seoul, Korea na sigurado ring dadaluhan ni Lotlot at ng dalawang director na sina Allan Ibanez at Dexter Hemedez.

Last Saturday (April 22) naman ay nagkaroon ng matagumpay na premiere night ang pelikula sa Cinema 11 ng SM North EDSA kung saan kumpletong dumalo ang mga kapatid ni Lotlot na sina Matet, Ian de Leon, Kiko at Kenneth de Leon.

Sobrang na-touched si Lotlot sa pagdalo ng kan­yang mga nakababatang kapatid.  Hindi naman na­ka­rating ang panganay niyang anak na si Janine Gutier­rez dahil nasa Bacolod City ito kasama si Mikael Daez para sa promo ng TV series na Legally Blind habang ang kanyang dad na si Christopher de Leon ay may taping at nasa Singapore naman umano ang kanyang mommy na si Nora Aunor.

Ganun pa man, natuwa si Lotlot sa ipinakitang suporta ng kanyang mga kapatid lalo pa’t bihira silang magkita-kita nang kumpleto sila.

During our interview with Lotlot, ibinihagi nito na kung ano man ang kanyang narating at dumara­ting na mga biyaya sa kanya ngayon ay ipinagpapa­salamat niya lahat sa Diyos.

Ayon sa kanya, there were times na wala uma­no siyang kapera-pera at may ilang buwan o taon din siyang walang trabaho.  Dumating din sa pun­to ng buhay niya na gusto na niyang sumuko dahil na rin iba’t ibang pagsubok na dumating sa kanya pero nakatulong sa kanya ang patuloy niyang pagkapit sa Itaas.

Sa rami ng mga naging karanasan ni Lotlot sa kanyang buhay  since she was young, nakatulong ito sa kanya na maging matatag at maging isang mahusay na aktres.

Hindi naman ikinakaila ni Lotlot na apat na taon na ang relasyon niya sa kanyang Lebanese businessman-boyfriend at kinuha na umano ni Fred El Soury ang sukat ng kanyang daliri, isang indikas­yon na may plano na itong mag-propose ng marriage sa aktres na hindi naman magiging problema dahil matagal nang annulled ang kasal ni Lotlot sa dati niyang mister na si Monching.

Si Lotlot ang tumatayong manager ng kanyang panganay na anak na si Janine who’s doing well sa kanyang bagong serye sa GMA.

 

LOTLOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with