^

PSN Showbiz

Diego, ‘perfect timing’ ang tingin kay Sofia!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makikilala na ang mga bagong mukha na magbibigay ng bagong bihis sa iyong hapon sa pag-uumpisa ng kwento tungkol sa mga pusong nagmamahal at nangangarap sa Pusong Ligaw ngayong Lunes (Apr. 24).

Sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives, ang serye ay pinangungunahan nina Diego Loyzaga, Sofia Andres, Enzo Pineda, Beauty Gonzales, Bianca King, Joem Bascon, at Raymond Bagatsing.

First time magbibida sa telebisyon sina Diego at Sofia bilang sina Potpot at Vida, matapos sila unang magkasama sa hit serye na Forevermore.

“Pangarap ko talaga ito. Ngayon ko na nararamdaman iyong hard work simula noong gumagawa ako ng VTRs with my mom. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako pero sobrang nagpapasalamat ako,” sabi ni Sofia.

“Matagal ko nang hinintay ito. Masaya ako na nandito na ako at nagsisimula na kami, lalo pa at bigatin itong mga kasama ko. Sobrang perfect timing,” bahagi naman ni Diego.

Biggest break naman na maituturing ito ni Beauty matapos maging leading leady ni Zanjoe Marudo sa Dream Dad kasabay ng iba pang tumatak na roles sa iba’t ibang mga pelikula.

Samantala, unang beses naman na bibida sa isang ABS-CBN serye ang mga bagong Kapamilya na sina Enzo at Bianca habang mamarkahan naman ng soap ang pagbabalik-Kapamilya ni Raymond. 

Ang pinakabagong serye sa hapon ay mula sa direksyon nina GB Sampedro, Elfren Vibar, at Henry King Quitaina at pinamumunuan ni Lourdes De Guzman. Ang Star Creatives ay pinamumunuan ng COO nito na si Malou Santos.

 

STAR CREATIVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with