Eveready umarangkada sa sari-sari store caravan
MANILA, Philippines - Isinagawa kamakailan ng Eveready Batteries and Flashlights ang unang pag-arangkada ng Eveready Sari-sari Store Barangay Caravan sa Plaza de Borja sa bayan ng Pateros, Metro Manila.
Dinaluhan ang nasabing caravan ng mga sari-sari store owners na nabigyan ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagbili ng Eveready Batteries and Flashlights sa mas mababang halaga.
Bukod pa rito, natuto rin ang mga dumalo ng mga mahahalagang bagay tungkol sa mga baterya tulad ng tamang paggamit, pagtatago, pagtsa-charge para sa mga rechargeables, at iba pa.
Ayon kay Albert Sevilla, key accounts representative ng Eveready Philippines, layunin ng We are Eveready: Sari-sari Store Barangay Caravan ang maipakita sa mga sari-sari store owners ang kahalagahan ng paggamit ng dekalidad na mga batteries at flashlights.
“Maraming mga devices sa bahay ang ginagamitan ng baterya tulad ng wall clock, remote control, mga laruan ni bunso, at marami pang iba. Kapag basta-basta lang ang quality ng bateryang gagamitin mo, tulad ng mga china-made brands, hindi po tayo nakasisiguro sa quality at safety nito. Dapat siguradong matibay at safe ang inyong mga batteries, paninda man o gamit sa bahay. Gusto naming maipakita ang kahalagahan nito sa publiko sa pamamagitan ng caravan,” ani Sevilla.
Dagdag pa niya, “Ang Eveready Batteries ang numero unong baterya sa bansa kaya naman isa ring paraan ang caravan para makapagpasalamat, lalo na sa mga sari-sari store owners, sa kanilang walang sawang pagsuporta.”
Samantala, handog rin ng We are Eveready Sari-sari Store Barangay Caravan ang mga palaro at grand raffle draw kung saan ay nakakuha ng mga freebies at samu’t saring papremyo ang mga sari-sari store owners. Lahat din ng mga dumalo ay nag-uwi ng libreng We are Eveready T-shirts.
Sa pagtatapos ng programa, naiuwi ni Nicanor Domingo, sampung taon nang sari-sari store owner, ang grand prize na Samsung Galaxy S7 ng Eveready Raffle Promo.
“Nagulat ako nung tinawag yung pangalan ko. Pero syempre, masaya kasi ako yung nanalo. Matagal na ‘kong nagbebenta ng mga baterya sa tindahan ko. Syempre lagi namang mabenta kasi marami ang ginagamitan nito lalo na sa bahay tulad ng laruan ng mga bata, remote ng TV at iba pa. Hindi rin pwedeng mawala ang mga baterya at flashlights sa tindahan ko kasi yun yung kailangan talaga lalo na pag may bagyo o sakuna,” dagdag pa ni Domingo. “Nagpapasalamat ako sa We are Eveready sa pagbibigay sa akin nitong bagong smartphone.”
Susugod pa ang Sari-sari Store Barangay Caravan sa iba pang mga lugar sa buong Pilipinas. Abangan ang pagbisita ng We are Eveready Team at baka barangay niyo na ang susunod nitong bibisitahin.
- Latest