^

PSN Showbiz

Guwapong aktor na may kapangalang ibon, binura sa memorya ang utang sa beki!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung paniniwalaan ang mga kuwento tungkol sa isang guwapong aktor at sa kanyang nakaraang payak na buhay ay maaawa nga ang kahit sinong makakarinig nu’n sa isang becking nagpala sa kanya.

Wala pang kamalayan nu’n sa buhay-siyudad ang male personality, kasasalta pa lang niya sa Maynila mula sa malayong probinsiyang pinanggalingan niya, pero ang becki na ang nag-alaga at nagpala sa kanya.

Sa kuwento ng mga kaibigan ng becki ay nagmistula itong yaya ng guwapong bagets na bagets pa nu’n, hindi bale nang makulangan sa kanyang sarili ang becki, basta bastante lang ang mga pangangailangan ng promdi.

“Isa siyang literal na yaya. Lahat-lahat, ang becki ang nagbigay sa lalaking ‘yun. Patay-katawan siya sa pagtatrabaho para lang ma-sustain ang panggastos niya sa gym, sa balat niyang hindi pa makinis, pati sa ngipin niyang hindi kagandahan ang tubo.

“Nu’ng maihanda na siya ng becki, isinali na siya sa isang reality show, nanalo ang male personality. In fairness, matanaw naman siya ng utang na loob nu’n.

“Alam na alam niya na kung wala ang becki, baka nagtatanim pa rin siya ng palay at mga gulay hanggang ngayon sa probinsiyang pinagmulan niya,” simulang kuwento ng aming source.

Pero kung paanong nagbago ang itsura ng aktor dahil sa pag-aalaga ng becki ay nagbago rin ang pananaw niya sa buhay. Iniwan na niya ang becki, mas pinili niyang magpaalaga sa istasyong pinagtatrabahuhan niya, sa pangako na patuloy niyang babahaginan ng suwerte ang gay na naging susi ng kinaroroonan niya ngayon.

Naku, balde-balde ang iniluha ng becki nang dahil du’n. Hindi nga naman pera ang pinag-uusapan dito, kundi ‘yung pagpapahalaga sa mga ginawa niya, pero mukhang binalewala na ‘yun ng male personality.

“Ang sakit-sakit ng loob ng becki, pero dahil napamahal na sa kanya ang bagets, e, ipinaubaya na lang niya ang lahat sa mga bagong nag-aalaga sa male personality.

“Tanggap na niya na ganu’n talaga. Kapag may pakpak na ang ibon, e, lumilipad na, iniiwan na ang dati niyang pugad. Naku, literal pa namang kapa­ngalan ng isang malaking ibon ang aktor na ito!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Empleyado ng GMA ayaw kina Alden at Maine!

Tustado na ang creative consultant ng GMA-7 na kumumpirmang flop ang serye nina Alden Richards at Maine Mendoza nu’ng una pero medyo tumaas na rin ang rating nang ipasok sa istorya si Thea Tolentino.

Ay, nag-royale rumble ang mga fans ng AlDub, pinupog-kinuyog nila si Suzette Doctolero, ang nagsabing flop ang serye, kaya kumbaga sa tinapay ay sa tustadong mamon na maikukumpara ngayon ang empleyado ng Siyete.

Hindi nga naman ‘yun maganda sa pandinig, lalong hindi masarap sa panlasa na mismong taga-GMA-7 pa ang kumumpirmang mababa ang rating ng serye nu’ng una, sino pa ang maniniwala sa pag-aangat ng mga fans nina Alden at Maine sa loveteam kung ganyan na mismong empleyado ng network ang nangdadaot sa kanilang mga idolo?

Nakakaawa ang creative consultant na si Suzette Doctolero sa iisang direksiyon ng pang-uupak sa kanya ng mga tagasuporta ng AlDub. Hindi lang basta hinihiling ng tropa na bigyan ng leksiyon ng network si Suzette, ipinatatanggal pa nila, dahil wala raw malasakit sa mga programa at artista ng kanilang istasyon ang creative consultant.

May katwiran naman ang grupo sa kanilang sigaw, hindi bale nang manggaling ang kumpirmasyon sa ibang tao o network, huwag lang sa mismong nagtatrabaho sa istasyong pinagpapalabasan ng serye ng phenomenal loveteam.

Ewan lang kung ang mga ganu’ng komento ng creative consultant ay may basbas ng mga tagapamuno ng network. Pero wala namang ehekutibong papayag na mismong tauhan pa nila ang manglalaglag sa kanilang programa na pinagsusunugan ng kilay ng buong produksiyon.

Ang pagpapakatotoo ay may pinipiling panahon at sitwasyon. Kung wala itong masasabing positibo tungkol sa serye ay mas magandang nagtikom na lang sana ito ng bibig dahil hindi magandang tingnan na ang mismong pinagmumulan ng biyayang ikinabubuhay nito ang malalagay sa alanganin.

Respetuhan lang naman ‘yan. Kung ayaw ni Suzette Doctolero sa AlDub ay walang kahit sinong makapamimilit sa kanya. Pero puwede nitong respetuhin ang bakurang nagbuo-nagbalangkas ng serye para kina Alden at Maine.

BEKI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with