Bianca naubos ang ipon sa kakabiyahe!
Baka magsisi ang GMA na pinakawalan nila si Bianca King bagaman at bago ito pumunta sa ABS-CBN ay galing muna ito sa TV5 na kung saan ay dalawang taon siyang namalagi.
Tanggap na ng aktres na wala na siyang karera at nagsisimula nang mag-isip ng bago niyang pagkakakitaan. Habang wala pa siyang maisip ay nagbiyahe siya. Ito kasi ang hindi niya na-enjoy nang maging abala siya sa pag-aartista.
Walang nag-akala na nagsisimula nang maubos ang kanyang ipon dahil sa dami ang pinupuntahan niya na sa totoo lamang ay sponsored na lahat at ang iba pa niyang gastusin ay mula sa pagsusulat niya ng blog at social media.
Super minimalist (sosing termino niya ng pagtitipid) siya sa gastusin at nagpapasalamat siya na bago pa siya talagang ma-broke ay dumating na ang alok ng Kapamilya para sa Pusong Ligaw. Even after tanggapin niya ang offer sa kanya ay nag-alala siya kung tatanggapin ba siya ng mga daratnan niya sa ABS-CBN. Nandun din ang pag-aalala kung marunong pa ba siyang umarte.
Wala naman siyang gaanong expectation, tinanggap niya ang Pusong Ligaw, ang una niyang assignment sa network, with an open mind. Pumasok siya dito to grow as an artist.
Bukod kay Beauty Gonzales na kasama ni Bianca na nagbibida sa serye, launching din ito ng tambalan nina Diego Loyzaga at Sofia Andres. Kasama pa rin ang mga dating GMA artists na sina Raymund Bagatsing at Enzo Pineda at si Joem Bascon.
Tatlu-tatlo ang magtutulong para idirek ang Pusong Ligaw, sina GB Sampedro, Henry Quitain at Elfren Vibar.
Empleyado ng City Hall may hinihiling na promosyon kay Erap
May isang pamilya na lumapit sa akin para magpatulong para makausap si Manila Mayor Erap Estrada. Malapit na naman ang pasukan at may pina-follow up silang sulat na may anim na buwan nang nakabinbin sa opisina ni Erap sa Manila City Hall. Nagrerekomenda ito ng promosyon para sa ama ng pamilya na si Chris Tejada na empleyado rin ng City Hall at binigyan ng trabaho ni ex-Mayor Alfredo Lim nang maging kontrobersyal ang ginawang pagpapakamatay ng panganay na anak ng pamilya na si Kristel Tejada dahil walang pambayad ng matrikula.
Ayaw nilang maulit ang malagim na pangyayari sa isa pa nilang anak na magkokolehiyo na pero, hindi sapat ang kasalukuyang kita ng padre de pamilya kaya nga umaasa sila na matutugunan ang hinihintay nilang promosyon nito. Sa kasamaang palad, wala pang sagot sa sulat nila at hindi sila makakuha ng pagkakataon na mapayagang makausap si Erap. Baka nga naman sa pamamagitan ng aking showbiz column dito sa PSN ay may makabasa ng kanilang paghihirap at maipaabot kay Mayor ang kanilang paghihintay.
- Latest