^

PSN Showbiz

Megan may gagawing pelikula sa Netflix!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

First time magku-comedy sa pelikula si Megan Young sa Regal Entertainment’s Mother’s Day presentation na Our Mighty Yaya. Kuwento nito sa presscon ng pelikula, tawa siya nang tawa sa mga eksena nila ni AiAi delas Alas at challenge sa kanya ‘yun dahil kailangang seryoso ang mukha niya.

Hindi lang siya pinatawa ni AiAi, nakakuha rin siya ng tips kung paano ang working relationship ni Comedy Queen sa mga kasama sa trabaho. Ayon kay Megan, inobserbahan niya si AiAi at nakita niyang mabait ito sa tao at pantay-pantay ang trato sa lahat, big stars man, crew o utility.

“I accepted the movie dahil alam kong fun siyang gawin at funny ang role ko, masaya lang. Pero may mga natutunan ako while doing this film at natutuwa ako,” sabi ni Megan.

Looking forward na si Megan sa showing ng Our Mighty Yaya starting May 10, sa direction ni Joey Reyes.

Samantala, nag-renew na pala ng kontrata niya sa GMA Network si Megan. Three years exclusive contract ang pinirmahan nito at dahil namatay ang karakter niya sa Book 1 ng Alyas Robin Hood, hindi na siya kasama sa Book 2. May ibang show na ibibigay sa kanya ang network.

Sa July, lilipad siya pa-New York dahil may project sa kanya ang Innovative Artists Agency kung saan may kontrata siya. Isang movie for TV ang gagawin niya to air sa Netflix, sa July ang shooting.

Dennis nakikisaya na sa pamilya ni Jennylyn

May napanood kaming video habang nagkakasayahan sa bahay ni Jennylyn Mercado kasama ang amang si Noli Pineda (na sinundo nila ni Dennis Trillo sa Korea) at parang nagkaroon ng jamming. Naggitara ang ama ng aktres, may nagpa-piano, at may kumakanta.

Nasa tabi si Jennylyn na kita ang kasiyahan sa mukha na nakatingin sa ama at kunwari, nakiki-jamming gamit ang kilikili at kamay. Nasa tabi nito si Dennis na nakangiti and for sure, masaya para sa girlfriend dahil finally, nakasama ang ama.

Hindi pinost ni Jennylyn sa social media account niya ang video kundi sa IG story at FB ng friend niya naka-post ang video na ikinatuwa ng fans ng aktres.

Samantala, inaabangan na ng fans ni Jennylyn ang airing sa May ng My Love From The Star na pagtatambalan nila ni Gil Cuerva sa direction ni Bb. Joyce Bernal.

Noni at Shamaine may proyekto sa nag-suicide na anak

Tampok sa Pagtatapos episode ng Brillante Mendoza Presents ang mag-asawang Noni at Shamaine Buencamino na tungkol sa depression at suicidal tendencies ng aktres na gumaganap na anak nila sa film-made-for-television. Malaking bagay at nagpasalamat si direk Brillante kina Noni at Shamaine dahil alam ng lahat ang nangyari sa bunso nilang anak na nag-suicide.

May The Julia Buencamino Project sina Noni at Shamaine, named after their departed daughter. Part ng project ang paglalagay ng Julia’s Bench sa mga school, isang maliit at wooden bench na may artworks ni Julia. Sinisimbolo ng bench ang safe space at ang uupo rito ay nangangailangan ng makakausap at tulong.

Mapapanood bukas, 9:30pm., sa TV5 ang Pagtatapos na tamang-tama sa graduation month.

 Jasmine kapuso na raw

Sa special screening ng Pagtatapos, nabanggit ni Chot Reyes, president and CEO of TV5 na may mga bago silang shows para sa mga naiwang talents nila gaya nina Shaira Mae dela Cruz, Mark Neumann at iba pa.

Nang tanungin sa kontrata ni Jasmine Curtis-Smith, sabi ni Mr. Chot, sa digital na lang ang kontrata ni Jasmine sa network. Nasa GMA-7 na raw ang aktres.

Minsan nang nabalitang lilipat sa GMA-7 si Jasmine at makakasama pa nga raw sa cast ng Mulawin vs. Ravena,  pero itinanggi ito ng manager ni Jasmine na si Betchay Vidanes. Hindi raw nag-audition ang aktres dahil nasa Australia ito that time.

MEGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with