^

PSN Showbiz

Mga awiting pinasikat ng yumaong composer nakatatak na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Muli na namang nagluluksa ang industriya ng music industry sa pagpanaw ng isa sa mga legendary composers ng bansa, si Willy Cruz, 70.

Si Willy ay isang mahusay na pianista, composer, arranger, at musical director. Ang kanyang pangalan ay napapalamutian ng napakaraming hit songs na kanyang kinompos at kasama na rito ang mga awiting nagpakilala sa mga mang-aawit tulad nina Nonoy Zuñiga (Never Ever Say Goodbye), Hajji Alejandro (May Minamahal), Zsa Zsa Padilla (Kahit Na), at maraming hit songs ng Megastar na si Sharon Cuneta.

It was in July last year nang bigyan ng tribute si Willy sa ASAP ng ABS-CBN dahil sa malaking ambag nito sa OPM (Original Pilipino Music) at nung December 1, 2016 ay isa siya sa pinarangalan ng Star sa Eastwood City, isang proyekto na sinimulan ng namayapang star builder at Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno.

Bago itinatag ni Willy ang Jem Records in 1982 ay naging A&R head siya ng Vicor Music Corporation na binuo at pag-aari noon ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad. Nang mag-fold-up ang Jem Records, muli siyang naging aktibo sa bakuran ng Viva Re­cords kung saan madalas siyang maatasan ni Boss Vic na mag-compose at mag-produce ng mga soundtrack albums ng mga pelikulang produced ng Viva Films na karamihan sa mga ito ay mga pelikula ni Sharon.

To date, nakagawa si Willy ng about 70 hit songs at 50 soundtrack albums at labas pa ito sa kanyang sariling albums. At nakatrabaho niya ang karamihan sa malalaking pangalan ngayon sa industriya ng musika.

Pumanaw man si Willy, mananatiling buhay ang kanyang mga awitin na tiyak na patuloy na bibig­yang-buhay ng iba’t ibang mang-aawit mula iba’t ibang henerasyon.

Indie ni Lotlot ayaw paawat sa ibang bansa

Ang indie movie na 1st Sem na pinagbibidahan ni Lotlot de Leon ay magkatulong na isinulat at idinirek nina Dexter Hemedez (writer ng Be Careful with My Heart, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, Maria La Del Barrio, at Rosalka ng ABS-CBN) at actor-writer-director na si Allan Ibañez (co-writer ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita at writer-director ng short films na Ang Mga Kamatayan ni Anna, Tubig at Bigas, Sindi, at director ng Kulong at Kuwento). Sina Dexter at Allan ay parehong protégé ng award-winning writer na si Ricky Lee.

Naging actor din si Allan sa ilang short at full-length films tulad ng EDSA 30, Aquarium, at Kama/BENCHingko.

Ang 1st Sem ay isang kuwento ng isang ina na ginampanan ni Lotlot at ang kanyang mga anak na ginagampanan ng mga baguhang actor na sina Darwin Uy, Miguel Bagtas at batang actor na si Sebastian Vargas. Gagawin ng isang ina ang lahat ng kanyang makakaya para lamang mapag-aral at mapagtapos ang mga anak. Pero paano kung ang anak na mismo ang ayaw mag-aral?

Ang 1st Sem ay nakakuha ng Best Debut Feature (for Debut Director’s Film) at Special Jury Award (Best Actress) para kay Lotlot sa All Lights India International Film Festival sa Hyderabad, India noong nakaraang taon. Sa darating na April 26 at 7 p.m. ay kasama ito sa official selection ng 50th Worldfest Houston International Film Festival at magkakaroon ito ng special screening sa Thea­ter A #23 ng The AMC Studio 30 Dunvale Cinema sa Houston, Texas at kasama rin ito sa special selection ng 5th Seoul Guro International Kids Film Festival next month.

HAJJI ALEJANDRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with