^

PSN Showbiz

Mestisang aktres maldita na since birth! Paolo nilinaw ang lagay ng lovelife

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Mestisang aktres maldita na since birth! Paolo nilinaw ang lagay ng lovelife
Paolo Ballesteros

PIK: Tuwang-tuwa ang FDCP Chairperson Liza Diño dahil nagkumpirma si Pres. Rodrigo Duterte na dadalo sa grand launch ng Cine Lokal bukas ng gabi na gaganapin sa Cinema 1 ng SM Mall of Asia.

Ang Cine Lokal ay partnership ng FDCP sa SM Cinemas na nagbibigay ng  pagkakataong maipalabas sa ilang SM cinemas ang mga award-wining independent films.

Ayon kay Liza; “Through Cine Lokal, we will be able to provide independent filmmakers with a commercial venue for their films, thereby strengthening their experience and training on film marketing and distribution.

“We will also be creating a culture of support and viewership among Filipinos nationwide and developing a venue for educational discourse for the youth and for our regional cinema.”

Ang pelikulang Iadya Mo Kami ni Direk Mel Chionglo ang opening film ng naturang event.

PAK: Nag-emote ang isang komedyante sa isang mestisang aktres na alam niya ang kamalditahan nito.

Naging kaibigan naman daw niya ito noon pa, pero hindi siya ganun kakumportable dahil likas na maldita raw talaga ito.

Pero lumalamlam ang career nitong mestisang aktres, at ngayon ay bibigyan uli ng pagkakataong sumig­la na kung saan kasali ito sa bagong drama series na malapit nang ipalabas.

Tuwang-tuwa si komedyante dahil makakasama pala niya sa programang ito si mestisang aktres. Ang buong akala raw niya nagbago na ito dahil matagal din siyang nabakante, pero naloka si komedyante dahil ganun pa rin daw pala.

Wala pa rin daw pagbabago kay aktres. Likas pa rin daw ang kamalditahan kaya med­yo ilag daw ang production staff. Kaya itong si komedyante na lang daw ang nagpapaliwanag na ganun daw talaga ang ugali nitong si mestisang aktres.

Tanggap na raw ni komedyante na wala nang pagbabago sa kaibigang mestisang aktres.

BOOM: Ngayon lang naging open si Paolo Ballesteros sa kanyang lovelife.

Ngayon lang niya ipinost sa kanyang Instagram account ang kuha ng magkahawak kamay na may suot na promise ring.

Nag-post naman itong si Roland Ochoa Anog sa kanyang IG account na suot ang promise ring kagaya ng kay Paolo.

Itong si Roland ang namataang kasama ni Paolo na nagbakasyon sa Boracay nung nakaraang taon.

Sabi ni Paolo, pamilya raw niya ang kasama niya, pero pagdating kay Roland, hindi na niya sinagot.

Nilinaw naman ni Paolo na pamilya pa rin niya ang priority, at puwede naman daw maisantabi ang lovelife.

 

 

PAOLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with