^

PSN Showbiz

TV host feeling queen pa rin, mga kuda imbento lang pala!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang mga detalye ng kuwentong ito tungkol sa isang pamosong babaeng personalidad ay galing mismo sa kanyang mga nakatrabaho. Windang pa hanggang ngayon ang mga ito sa mga salitang pinakawalan ng sikat na female personality kailan lang.

Palibhasa’y mga bagito lang sa linyang pinasukan nila ang tropa ay hindi pa rin sila makapaniwala hanggang ngayon na nakakaloka nga palang katrabaho ang babaeng personalidad.

Kuwento ng unang source, “Si ____(pangalan ng female personality) kasi ang pumili ng mga makakatrabaho niya, hindi ang producer, siya talaga ang bumuo ng dream team niya kuno.

“Mga proven and tested na kuno ang kanyang team dahil nakatrabaho na niya sa mga ginawa niyang endorsements. Natural, go lang naman nang go ang producer, mas may alam nga kasi siya sa pagpapatakbo ng production!

“’Yung sinasabi niyang pinadadalhan siya ng mga flowers ng guy na nakasama niya, hindi naman pala totoo ‘yun! Ilusyon lang pala ‘yun! Gawa-gawang kuwento lang naman pala ‘yun!

“Ang totoo pala, e, may girlfriend ang guy, pero siya ang nanggamit du’n sa lalaki, meron kasi siyang pinagseselos na guy na talagang ayaw siyang pansinin!

“Para magselos si ____(pangalan ng isang kilalang male personality sa showbiz at pulitika), pinalutang niya na nagpapapansin sa kanya ang guy. May-I-send kuno sa kanya ng flowers.

“Kaso, wala namang epekto ‘yun sa lalaking matagal na niyang ine-emote, pero hindi naman siya pinapansin, kaya nabalewala rin ang mga ginawa niyang kuwento!” tawa nang tawang sabi ng unang source.

Hindi nagpatalo ang ikalawang impormante, ang kuwento naman nito, “Grabe pala ang pagiging OA ng babaeng ‘yun! Maliit na bagay, nagagawa niyang pagkalaki-laki!

“Kahit hindi naman totoo, kuda lang siya nang kuda! Ang dami kaya niyang inilabas na story na hindi naman nangyari! Super-OA siya, akala niya siguro, e, queen pa rin siya hanggang ngayon!” katapusan ng kuwento.

Ubos!

Jessy stalker daw ni Angel!

Stalker kung tawagin ng mga tagasuporta ni Angel Locsin si Jessy Mendiola. Ikalawang female stalker na raw si Jessy, maraming nagsasabi, dahil ang unang stalker ay ang isang magandang aktres na palaging nanggagaya sa isang kakontra nitong aktres-TV host.

Bakit stalker ang naging bansag kay Jessy ng mga tagahanga ni Angel? Palagi raw kasing nakatutok ang dalaga kay Angel. Lahat daw ng gawin nito ay dinuduplika ni Jessy, makagaya lang siya at makapang-inis, ganu’n ang kuwento.

Ewan kung sinasadya ‘yun ni Jessy o nagkakataon lang na kung ano ang gawin ni Angel ay ginagawa rin niya. Sutil din si Jessy kapag may time. Puwede namang hindi siya mag-throwback pero ginagawa niya talaga ‘yun para inisin ang kampong banat nang banat sa kanya.

Magaling siyang mamingwit ng reaksiyon. Mahusay siyang mang-imbita ng atensiyon. Konting panggagaya lang niya sa post ni Angel ay nabubulabog na niya ang mundo ng mga tagasuporta ng aktres.

At siguro’y balewala lang naman ‘yun sa kanyang boyfriend na si Luis Manzano dahil kung may malisya si Jessy o masamang intensiyon ay siguradong hindi makapapayag ang actor-TV host na pupugin nang paganu’n na lang ng mga tagahanga ni Angel Locsin ang kanyang karelasyon.

Sa aminin at sa hindi ni Jessy Mendiola ay malaking-malaki ang insecurity niya kay Angel. Tanong nga ng mga tumututok sa kanyang mga pinaggagagawa ay ano pa ba naman ang kailangan niyang ipagselos o ika-insecure sa ex ng kanyang boyfriend?

Sila na ni Luis ngayon, kuwento na lang ng nakaraan nito si Angel, kaya ano pa ba ang kailangang patunayan ni Jessy?

Kapag tumalon kaya si Angel Locsin sa San Juanico Bridge ay gawin din ‘yun ni Jessy Mendiola hanggang sa labasan ng dugo ang kanyang ilong?

Ang sutil ay sutil ay sutil. Lumalabas tuloy na kulang na kulang sa pansin ang girlfriend ni Luis Manzano.

Kaya pala bukod sa pagiging stalker ay binabansagan din siyang KSP. Kulang sa pansin.

TV HOST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with