^

PSN Showbiz

Reyna ng Aliwan mas mainit ang labanan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inaasahang higit na mag-iinit ang labanan sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta sa paglahok ng 22 naggagandahang dilag sa timpalak ng Reyna ng Aliwan na gaganapin sa maningning na mga pagtatanghal sa April 21.

Inilahad na ng Manila Broadcasting Company ang listahan ng mga kalahok sa taong ito, na suportado muli ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at mga lungsod ng Maynila at Pasay.

Mula sa Luzon, kasali sina Alexia Edmund para sa Bambanti festival ng Isabela; Dianne Irish Joy Lacayanga para Panagbenga festival ng Baguio; Alyssa Charish Vivasl para sa Knee­ling Carabao festival ng Pulilan, Bulacan; Patricia Kate Gonzales para sa Antipolo Maytime festival; Ahtisa Ma­nalo, ang kasalukuyang Bb. Niyogyugan ng lalawigan ng Quezon;  Vivien Fabella para sa Boling-Boling festival ng Catanauan, Quezon; at si Leidda Paulette Babasanta para sa Sikhayan festival ng Sta. Rosa, Laguna

Mula naman sa ka-Bisayaan, matutungha­yan sina Marla Alforque para sa Sinulog ng Cebu; Apriel Smith para sa Utanon festival ng Dumaguete, at si Kathleen Mae Lendio para sa Karansa festival ng Danao. 

Hindi rin patatalo ang mga Ilonggo, sa kanilang mga kinatawang sina Elaine Segura para sa Iloilo Paraw RegattaRowena Gandeza para sa Manggahan festival ng Guimaras; at si Erna Torreblanca para sa Masskara festival ng Bacolod.  Pambato na­man ng mga Waray si Venisse Charm Costibolo para sa Sangyaw festival ng Tac­loban.

Manggagaling sa Mindanao naman sina Julie Faith Agsalud para sa Zamboanga Her­mosa festival; Angelica Doguiles para sa Pescao festival ng Zambaonga; Carmela Villa­ruel para sa Timpuyog festival ng Sarangani; Ariella Jazmine Roque para sa Tuna festival ng General Santos City; Kyla Ocso para sa Kalivungan festival ng Kidapawan, North Cotabato;  Liezel Libria para sa Sultan Kudarat festival ng Maguindanao, at si Aira Abedin para sa Inaul festival ng Maguindanao.

Ang magwawagi bilang Festival Queen ng Aliwan Fiesta 2017 ay mag-uuwi ng P100,000 at tropeo, bukod sa pagiging ambassadress of goodwill ng turismo.  

Ginanap ang pageant night noong April 1 sa harap ng Aliw Theater sa CCP Complex  Ang coronation night ay kasunod ng Grand Parade ng ika-22 ng Abril.

Para sa karagdagang kaalaman, tawagan ang  832-6125 o mag-email sa [email protected];   maaari ring tignan ang www.aliwanfiesta.org.ph,  o di kaya’y ang official Facebook page.

ALIWAN FIESTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with