Wilson Flores nag-donate ng 4 na school building
MANILA, Philippines - Ang kolumnista ng Philippine Star, real estate entrepreneur, guro sa kolehiyo at may-ari ng Kamuning Bakery Café na si Wilson Lee Flores ay nakatanggap kamakailan ng sertipiko ng pagkilala mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea sa Marriot Grand Ballroom para sa kanyang mga donasyong 2 school building bilang suporta sa civic project na “Operation Barrio Schools” ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc (FFCCCII).
Naka-apat na public school building ang nai-donate na ni Flores mula noong 2013 sa ilalim ng mapagkawanggawang proyektong ito upang makatulong sa mga mahihirap na probinsiya ng Pilipinas.
Sa larawan (mula sa kaliwa) makikita sina FFCCCII honorary president Dr. Alfonso Siy & Angel Ngu, Wilson Flores, Sec. Medialdea, FFCCCII EVP Dr. Henry Lim Bon Liong at welfare committee chairman Enrique Chua.
- Latest