^

PSN Showbiz

#Vote4aselfieworthyph campaign ng TFC, panalo ng gold Anvil

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos maisara ang 2016 elections nang may pinakamaraming bilang ng registrants at voters noong 2015 at 2016, patuloy pa ring lumilikha ng kasaysayan ang kampanya para sa overseas voting (OV), partikular na ang The Filipino Channel (TFC).  Muling ginawaran ang premyadong network ng Anvil Award para sa ikalawang kampaniya nitong may layuning hikayatin ang mga overseas Filipino (OF) na makilahok sa eleksyon, ang #Vote4ASelfieWorthyPH, sa katatapos lamang na 52nd Anvil Awards.

Una nang nanalo ang TFC ng Silver Anvil para sa kampaniya nitong Boto Mo, Kinabukasan ng Bawat Pilipino noong 2014 para sa isa sa pinakamahusay na PR programs na isinagawa para sa isang specific stakeholder, partikular na ang OFs.

Mula sa 402 entries na isinumite para sa naturang kategorya, panalo ng Gold Anvil ang #Vote4ASelfieWorthyPH dahil sa pagsasakatuparan nito ng layuning muling hikayatin ang mga OFs na magre­histro at bumoto para sa mga susunod na mamumuno na iginawad ng presithiyosong Public Relations Society of the Philippines (PRSP)

Ayon kay Anvil Awards Committee Chairman Rochelle Gamboa, pinili ang mga nanalo ng isang 33-member jury na mula sa public at private sectors na kinabibilangan ng mga Accredited Public Relations (APR) professionals at executives pati government officers, para sa kanilang pagsagawa ng mga programang makabuluhan ang layunin at nakamit ang mga ito sa pamamagitan ng epektibong PR campaign. 

Ang pangunahing layunin ng kampanya para isinagawa ng TFC sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs Overseas Voting Secretariat (DFA - OVS) at Commission on Elections Office of Overseas Voting (COMELEC OFOV) ay upang hikayatin ang mga OF na isakatuparan ang kanilang right of suffrage.

Para isakatuparan ang kampanya, umankla ang kampanya sa hilig ng mga Pinoy na mag-selfie at gamitin ito para ipakita sa kanilang ipinapakita man nito ang realidad na marami pang dapat baguhin, ay may kakayanan naman silang baguhin ito sa pamamagitan ng pagboto.

ANVIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with