Exposure ng Radiation Mula sa Cell Phone
Para maiwasan ang exposure ng radiation sa cell phone, mas safe na hanggang maaari ay huwag munang bigyan ng mobile o gadgets ang baby hanggang teen-ager na mga anak.
Ipaalam ang panganib ng cell phone kapag ito ay malapit sa katawan o nasa bulsa ng kanilang mga damit o pantalon. Paalalahanan na gumamit ng safety headset kung tatawag o sasagot sa mobile. I-turn off kapag hindi ginagamit ang CP. Mas expose sa radiation kapag malakas ang signal kung idinidikit ang CP sa ulo. Pero sa paggamit ng headset ay expose pa rin sa radiation na diretso sa loob ng tainga. Kapag weaker ang reception ay mas malakas ang power na mag-transmit at exposure sa radiation. Limitahan ang paggamit ng CP sa loob ng kotse. Dahil ang metal parts ng kotse tulad roof, doors, at chasis ay mas nagma-magnify ng radiation. Mas lumalakas din ang transmitting ng power sa mga dinadaanang cell towers habang umaandar ang sasakyan. Ligtas daw ang paggamit ng air tube na design para mabawasan ang radiation mula sa cell phone. Pero dahil may antenna o wire ang air tube ay hindi pa rin ito safe. Kaya mas mabilis ang pag-transmit ng radiation sa utak.
Limitahan ng dalawang minuto ang paggamit ng CP. Kung matagal, mas mapanganib sa exposure ng microwave radiation. Mas mainam na paganahin ang speakerphone hanggang maaari kung nasa loob lang din ng bahay.
- Latest