^

PSN Showbiz

Beteranong singer na si Eva Eugenio dinudukot ang pagkain sa lalamunan!; Award-winning na aktor tawa nang tawa ‘pag naka-marijuana!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Proud si Toni Gonzaga na hanggang ngayon ay talagang breastfed pa rin ang anak niyang si Baby Seve. Doon daw siya talaga sobrang natuwa sa miracle ng pagbibigay buhay ng isang ina sa kanyang anak.

Pahayag ni Toni sa presscon ng The Voice Teens, “Six months na ang kinakain lang niya ay ang pagkain mula sa akin.

“Ang sarap ng pakiramdam. Mahirap, pero nakakatuwa kasi you’ll never know the strength of a woman until she gave birth to a life. Parang mga bagay na hindi mo kakayanin, kakayanin mo pala.

“Nakakatuwa kung paano idinesign ni God ang connection ng isang anak sa kanyang ina.”

Pina-dedicate na ng mag-asawang direk Paul Soriano at Toni ang kanilang anak sa Taytay, sa lugar na pinagkasalan nila at kung saan doon din siya nabinyagan.

PAK: Matindi pala ang pinagdaanan ng veteran singer na si Eva Eugenio kung saan nagka-anorexia siya at naging bulimic pa pitong taon na ang nakararaan.

Dumaan daw siya sa matinding depression dahil sa career, problema sa pamilya, at pati na rin sa pag-ibig. Sobrang natabaan daw siya sa sarili kaya umabot siya sa puntong dinudukot na niya ang pagkain sa lalamunan, hanggang sa naging 83 lbs. na lang ang timbang niya.

“Tumingin ako sa salamin, ‘Diyos ko may anak ako, ayoko pang mamatay.

“Nu’ng ma-realize ko na, nagpunta ako sa doctor. Pinag-vitamins ako, pero dahan-dahan.

“Ngayon okay na ako, itinuluy-tuloy ko na lang na huwag magpakataba masyado, pero okay na ako,” pahayag ni Eva.

Nagtatrabaho na raw ang 28-year-old daughter niya, pero solo pa rin siyang nagtataguyod sa kanyang pamilya. Mabuti at tuluy-tuloy pa rin ang mga raket niya.

Pinaghahandaan na nga ngayon ni Eva ang concert nilang Kings and Queens of OPM na gaganapin sa Resorts World Manila sa April 29.

Kasama ni Eva rito ang mga kapwa Jukebox Queens na sina Imelda Papin at Claire dela Fuente, at ang mga Jukebox Kings na sina Rico Puno, Marco Sison, at Hajji Alejandro.

BOOM: Tumaas ang kilay ng isang magaling na aktres sa ilang celebrities na open ang pagpahayag ng suporta sa marijuana bilang medical treatment.

Sa tingin niya maituturing pa ring illegal drugs ito at dapat na ipagbawal sa ating bansa.

Naalala raw niya minsan nu’ng nakatrabaho niya sa isang taping ang award-winning actor na alam nilang humihithit ng marijuana kahit sa oras ng trabaho.

Naloka raw sila nang maantala ang kanilang taping dahil hindi makuha-kuha ng aktor ang eksena dahil wala itong ginawa kundi tumawa nang tumawa.

Humihit pala ito ng marijuana sa set na hindi lang daw nila alam kung may kasama pang iba. Laugh trip daw ito kaya hindi nila matuloy-tuloy ang eksena dahil hindi tumigil sa katatawa ang aktor.

Mukhang maayos na raw ito ngayon, at hindi naman nawawalan ng trabaho.

EVA EUGENIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with