^

PSN Showbiz

Contestant ng reality show na nangangamoy panalo, may kakaibang pagkatao!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bukas ng 9 ng gabi ay sisimulan na ang bagong prog­rama ni Pia Guanio-Mago na 40 Is The New 30 na mapapanood sa Colours Cable Channel.

 

Napapanood namin sa Cignal TV ang naturang Lifestyle channel at napaka-colorful ng mga prog­rama para sa mga kababaihan.

Isa sa mga local show na sisimulan ay ang prog­ramang ihu-host ni Pia.

Sabi ni Ma’am Wilma Galvante na producer ng naturang show, top of mind na napili nilang maghost si Pia.

Tungkol din sa kanya ang tatalakayin sa pilot episode nito. Marami raw siyang ibabahagi tungkol sa kanyang pagbubuntis ngayon sa edad na 43.

“It’s all about her, being pregnant at the age of 43, hosting a show, a daily show. Very doing active training everyday at 7 months.

“Ang gandang example. Even if you’re pregnant you should not a stay home person,” paliwanag ni Ma’am Galvante.

PAK: Mala-‘thorn between two lovers’ ba ang drama ni Julia Barretto dahil sa pagkaka-loveteam sa kanya kina Ronnie Alonte at Joshua Garcia?

Si Ronnie ang ka-partner ni Julia sa A Love To Last, at may binubuong pelikula naman ngayon ang Kapamilya young actress na ka-partner si Joshua.

Masaya si Julia dahil dati ay nahirapan daw siyang maghanap ng ipa-partner sa kanya, ngayon ay doble-doble na.

Huwag na lang daw sana siyang tanungin kung sino ang mas lamang at mas close sa kanya dahil pareho lang naman daw ang trato niya sa dalawa niyang leading man.

Sabi nga ni Joshua, “Bakit nila itatanong yun? Huwag na lang nila ipakumplikado ang mga bagay.”

Sa ngayon ay okay naman daw at naibabalanse ang dalawa niyang leading man.

BOOM: Bago pa lang ang reality show na ito ng isang TV network, kaya hindi pa ito gaanong napapansin.

Nabalitaan lang namin na mukhang magkakaroon ng malaking iskandalo kung mananalo ang isang malakas nilang contestant.

Ang pagkakaalam namin, maraming episodes na silang nai-tape at mukhang magwawagi itong ma­galing nilang contestant na gigimbal sa mga judge at mga producer kapag nalaman nila ang totoo nitong pagkatao.

Abangan na lang kapag sumabog ang iskan­dalong ito habang patuloy na tumatakbo ang natu­rang reality show.

vuukle comment

PIA GUANIO-MAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with