^

PSN Showbiz

Eula ‘di pinayagang makalagare!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagtatanong ang Encantadiks kung mawawala na ang Avria karakter ni Eula Valdes sa Encantadia. Ito’y dahil may bagong soap sa ABS-CBN ang aktres. Kabilang siya sa cast ng Kung Kailangan Mo Ako na ipinakilala noong isang araw.

Hindi naman puwedeng dalawa ang umeere niyang show at sa magkaibang network pa. Kaya ang hinala ng viewers ng Encantadia, mawawala na si Avria sa fantaserye.

Kundi pa nababago ang schedule, sa May pa yata ang ending ng Encantadia. Kailan kaya magsisimulang mag-taping si Eula ng Kung Kailangan Mo Ako at airing nito? Tampok dito ang love team nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Sanya naiyak sa halik ni Rocco!

Hindi apektado si Sanya Lopez sa inamin ni Rocco Nacino na may idine-date siyang Fil-Australian model at special guest pa yata ng aktor sa salubong ng birthday niya sa taping ng Encantadia noong March 20 (Mar. 21 ang birthday ng aktor).

Sina Sanya at Rocco kasi ang isa sa love team ng fantaserye at marami silang fans na umaasang mauuwi sa totohanan ang kanilang love team. Pero sabi ni Sanya, sa ngayon, love team lang sila at magkaibigan at libre si Rocco na makipag-date at mag-GF ng kahit na sino.

Naalala namin, alam din ni Sanya ang pagdi-date nina Rocco at Arianne Bautista, pero hindi nauwi sa relasyon. Sila naman ni Rocco ay nananatiling magkaibigan.

Naikuwento pala ni Sanya na kinabahan siya nang husto sa kissing scene nila ni Rocco dahil first onscreen kiss niya ang aktor. Eh, member pa naman siya ng NBSB o No Boyfriend Since Birth at sa TV lang siya nagkaka-boyfriend.

Samantala, malabo ang lumabas na balitang ibabalik sa GMA-7 ang Darna dahil hindi natuloy si Angel Locsin. May kontrata ang mga Ravelo at ABS-CBN at hindi basta-basta mapapawalang-bisa ‘yun dahil lang sa hindi na si Angel ang magbibida sa pelikula.

Piolo laging may pasalubong kay Raikko

Si Raikko Mateo ang gumaganap na anak ni Piolo Pascual sa Northern Lights: A Journey To Love. Siya si Charlie Jr., ang batang sabik sa pagmamahal ng amang si Charlie Sr., at kabilang sa mga eksenang kukurot sa puso at magpapaiyak sa viewers ang eksena nilang mag-ama.

Kuwento ni Raikko sa presscon ng movie na showing na sa March 29, tinulungan siya ni Piolo sa mga eksenang nahihirapan siya, kaya nagawa niya ang mga ipinagawa ni director Dondon Santos.

Lagi ring may pasalubong sa kanya si Piolo ‘pag may shooting sila.

Aktres gustong magbakasyon kahit kalagitnaan ng serye

Pinu-problema raw ng creative staff ng isang teleserye ang request ng isa sa major cast na magbakasyon. Hindi nila alam kung paano pagbibigyan ang aktres sa hiling na magbakasyon dahil nasa gitna ang story ng isa sa mga highlight. Masisira ang flow nito kung bigla na lang mawala sa eksena ang aktres.

Kung bakit naman kasi naisipan ng aktres na ngayon na magbakasyon at hindi na lang hintayin ang Holy Week.

Hindi pa raw alam kung pagbibigyan ang request ng aktres na magbakasyon at gawan na lang ng twist ang story. Kung salbahe lang ang creative team, puwedeng patayin ang karakter ng pasaway na aktres at palitan ng ibang karakrter para magbakasyon na lang forever. Siguradong magsisisi ang aktres kung after her vacation ay wala na siyang show na babalikan.

vuukle comment

EULA VALDES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with