^

PSN Showbiz

Johnny Litton malakas pa rin at matalas ang memorya sa edad na 81

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Family friend ng mga Nisce ang veteran television host at society columnist na si Johnny Litton kaya ito ang inimbitahan na emcee sa introduction ng bagong anti-ageing machine ng skin and face clinic ni Dra. Edna Talavera-Nisce, ang very accommodating at amiable owner ng kilalang beauty and skin clinic.

Nakakainggit si Papa Johnny dahil 81 years old na siya pero masiglang-masigla pa rin ang katawan niya at sobrang talas ng kanyang memorya.

Imagine, natatandaan pa ni Papa Johnny ang petsa ng kapanganakan ni Ricky Lo at hindi niya nalilimutan ang aming mga pinagdaanan noong magkasama pa kami sa isang newspaper publication.

Hindi ko makakalimutan si Papa Johnny dahil siya ang tumulong sa akin noon kaya nabigyan ng US Visa ang mga anak ko.

Walang kakupas-kupas ang husay ni Papa Johnny sa hosting dahil napaka-witty pa rin niya. Hindi rin tumatanda ang hitsura ni Papa Johnny. Nagmamalisya ako na baka may kinalaman ang clinic ni Dra. Nisce sa kanyang bagets na hitsura.

Ang anak ni Dra. Nisce na si Antoinette ang COO at head trainer ng kanilang skin and beauty clinic.

International licensed aesthetician si Antoinette at siya ang tumulong sa resident doctors ng Nisce Clinic sa pagpapaliwanag tungkol sa Sygmalift, ang latest non-invasive anti-ageing aesthetic machine.

“It’s applications are for Face Lifting, Photo Skin Rejuvenation, eliminate the double chin, smoothen fine line wrinkles and Collagen remodelling.

“Treatment time is around 15 minutes to 1 hour, depending on the area. No pain, no surgery, no injection- no downtime. Results progress within 40 days and will last for a year,” ang explanation ng maganda at sexy na anak ni Dra. Nisce tungkol sa Sygmalift na available sa kanilang clinic sa 5th level ng SM Megamall.

Anak ni Robert Redford pinadapa AiAi Best Actress sa Queens World Filmfest sa NY

Mabilis na kumalat noong Lunes ang balita na nanalo si AiAi Delas Alas na Best Female Actor sa Narrative Feature category ng 7th Queens World Film Festival sa New York para sa pelikulang Area.

Si AiAi ang Comedy Queen ng Pilipinas kaya parang sinadya na nag-win siya ng international acting award sa filmfest na may Queen ang name.

Kung alam lang ni AiAi na mananalo siya, dumalo raw sana siya sa awards night ng Queens World Film Festival.

Ang kaso, hindi uso sa nasabing filmfest ang mga leakage at hindi rin ito kagaya sa Pilipinas na tinatawagan ng festival organizers ang winners para siguradong makadalo sila at personal na matanggap ang kanilang mga acting trophy.

Siyempre, maligayang-maligaya si AiAi sa bagong blessing na dumating sa buhay niya. Hindi nag-expect si AiAi na mananalo para sa pelikula na hindi puwedeng panoorin ng bagets fans dahil sa mga maseselan na eksena.

Ang sey ni AiAi, lumuhod at nagdasal agad siya nang matanggap niya ang good news. Umiyak lang siya nang umiyak dahil kahit hindi siya magpasalamat, alam ng Diyos ang laman ng kanyang puso.

Dahil sa international acting award na napanalunan ni AiAi, hindi ako magugulat kung gumawa pa siya ng another indie movie na seryoso para mailabas niya uli ang kanyang husay sa drama.

Ang anak ni Robert Redford na si Amy ang mahigpit na kalaban ni AiAi sa Best Female Actor category ng Queens World Film Festival. Dumalo si Amy sa gabi ng parangal at luhaan na umuwi dahil natalo siya ni AiAi kaya better luck next time na lang ang masasabi ko sa kanya.

JOHNNY LITTON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with