Pauleen mas mukha raw buntis kesa kay Pia!
MANILA, Philippines - Nagwo-work out pa pala si Pia Guanio kaya naman parang hindi buntis ang hitsura niya.
Kung hindi pa siya nagsuot ng medyo maluwag hindi pa makikita ang baby bump ng Eat Bulaga host.
May ilang maldita sa social media na nagko-comment na mas mukha pa raw preggy si Pauleen Luna Sotto kesa kay Pia pag napapanood nila ang dalawa sa Eat Bulaga.
Cesar hindi nagpaapekto sa mga akusasyon, nag-HK
Lumipad pala pa-Hong Kong si Tourism Promotions Board COO Cesar Montano para suportahan ang Philippine delegation sa katatapos na Hong Kong International Film and TV Market (FILMART). Sinuportahan ng controversial actor ang grupo ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Ms. Liza Diño, CEO and Chair of FDCP na nanguna sa delegation.
“TPB supports FDCP and the Philippine Delegation at the HK Filmart
“For the first time, Film Development Council of the Philippines was able bring an entire delegation of Filipino producers and companies to the Hong Kong International Film & Tv Market (FILMART).
“This is a great opportunity to prove to the world that Philippine cinema is very much alive, thriving and ready to be world-class.
“Thank you COO Cesar Montano and Tourism Promotions Board for being one of our partners in this endeavor. Your support in our other future initiatives would mean so much to our industry!
“#FDCPgoestoHKFilmart2017,” ang mensahe ni Ms. Liza sa photo nila ni Cesar na bago lumipad pa-HK ay inakusahan ng kanyang mga katrabaho ng iba’t ibang isyu tulad nga ng pagbiyahe at pag-i-sponsor sa mga event na wala naman umanong kinalaman sa pagpo-promote ng tourism ng bansa. Naging mabilis si Cesar at nasagot niya at ngayon ay wala pang balita kung itinuloy ba ang kaso dahil walang ngang pangalang ibinigay ang mga nagreklamo.
Nakabalik na ng bansa ang delegasyon sa FILMART at back to work agad si Ms. Liza na member din ng executive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
- Latest