^

PSN Showbiz

Katawan ni Kris Bernal santambak na panlalait ang natanggap

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Grabe ang bashers at body sha­ming na natanggap ni Kris Bernal dahil lang sa pagpu-post ng picture niya na ipinapakita ang fit na katawan. Sabi ng isang lalaki, trying hard magpa-sexy si Kris at bulimic daw ito. Hindi raw healthy ang pagiging payat ni Kris.

Ang sagot ni Kris sa mga namba-bash sa kanya, “And don’t be afraid sweetheart, you can’t please everyone. You can try and fail miserably, it’s impossible no matter what you do. You’re all grown up now. You’re already 27. Make your own decisions. Don’t focus on living up to other people’s standards, raise it your own!”

Hindi nagpatalo sa bashers si Kris dahil nag-post pa rin ito ng picture niyang naka-two-piece. Sabi nito, “This is exactly the point in my life where I need to ditch the excuses and start being an adult.”

Samantala, ang Impostora ang unang show ni Kris sa pagre-renew niya ng kontrata sa GMA-7. Three years ang pinirmahang bagong kontrata ang aktres.

GF ni Albie hawig ni Inah

Wala pang reaction si Albie Casiño sa pagkapanalo ng GF niyang si Michelle Arceo sa beauty contest ng Wowowin last Tuesday. Isa ang GF ng aktor sa nanalo sa triple tie winner that day.

Inglisera ang nobya ni Albie at born and raised yata sa Amerika. Narito raw siya for modeling at dito na siya maninirahan.

In fairness, hindi nito itinanggi si Albie nang tanungin ni Willie Revillame.

Maganda si Michelle, at marunong kumanta at maggitara. Puwede siyang singer/model at puwede ring artista. Tingin namin, may hawig siya kay Inah de Belen.

Julia at Gabbi ibang level ang friendship

Hindi nasira ang friendship nina Julia Barretto at Gabbi Garcia kahit sa magkaibang network sila nakakontrata.

Si Gabbi lang yata ang Kapuso actress na bisita ni Julia sa debut nito base sa kanyang Instagram story. Habang magkayakap silang dalawa, binati ni Gabbi ang kaibigan at nagpasalamat si Julia sa pagdating nito.

Samantala, isa si Gabbi sa tuwang-tuwa nang makita at makasama ng mga taga-Encantadia si Kylie Padilla para manood ng Beauty and the Beast.

Sabi ni Kylie sa ipinost na picture with her Encantadia family sa IG, “So fun! I missed all of you watching Beauty and The Beast was so much more magical with you guys. Till next time.”

Janine at Andre baGong ambassadors ng WWF

Sina Janine Gutierrez at Andre Paras ang bagong Youth Ambassadors ng World Wide Fund for Nature (WWFPhilippines). “So happy to be a panda and can’t wait to work with you guys on something I’ve always believed in!!! Tara! First up, earth hour next week!,” post ni Janine.

Ang Earth Hour next weekend ang first project nina Janine at Andre bilang Youth Ambassadors ng WWF. Makikita sila sa SM by the Bay sa may Mall of Asia para sa yearly event na ito.

ABOUT SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with