Mayward parang susundan ang Kimerald
Mukhang may potential na maging major loveteam ang tambalan ng ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina Maymay Entrata at Fil-German na si Edward Barber na may sarili nang hukbo ng mga tagahanga hindi lamang sa buong Pilipinas kundi worldwide (na inaabot ng TFC o The Filipino Channel).
Si Maymay ang itinanghal na Big Winner sa PBB: Lucky Season 7 at 4th winner naman si Edward.
Kung sina Kim Chiu at Gerald Anderson ay nabuo ang tambalan nung nasa loob pa sila ng PBB house na naging hit at nauwi sa totohanan ang relasyon sa kanilang paglabas, maging ang nangyari sa mag-asawa na ngayong si Melai Cantiveros at Jason Francisco, mukhang sa ganoong direksyon din ang pupuntahan ng MayWard team-up.
Kitang-kita kina Mayway at Edward ang pagiging totoo hindi lamang sa kanilang mga sarili kundi para sa isa’t isa.
Maymay finds Edward charming at beautiful naman ang deskripsyon ni Edward kay Maymay.
Sa guesting kahapon nina Mayway at Edward sa Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros, hindi lamang ang tatlong hosts ang kinilig kundi maging ang lahat ng nasa loob ng studio.
Bukod sa paging guwapo ni Edward, lumabas din ang likas na pagiging mabait at generous nito (at ng kanyang pamilya) since he was a kid, sa mga kababayan ng kanyang Filipina mother sa La Union.
Ibinuko naman si Maymay ng kanyang OFW mother na pangarap daw nitong makatagpo ng foreigner balang araw at mukhang akma si Edward dahil may dugong German ito.
At habang tumatagal, Salve A. ay gumaganda si Maymay at unti-unti na rin itong nagkakaroon ng star aura.
At napakasuwerte ng ABS-CBN dahil mina-mani lamang nila ang pagbuo at pag-develop ng isang loveteam dahil alam na alam nila ang formula.
Iza paborito ang Japan
Si Iza Calzado ang tinanghal na Best Performer (Yakushi Pearl Awards) sa Osaka Film Festival para sa pelikulang idinirek ni Jerrold Tarog, ang Bliss.
Although hindi kasing laki ng Tokyo Film Festival ang Osaka Film Festival, isa pa ring malaking karangalan hindi lamang para kay Iza kundi sa buong Pilipinas ang naiuwing tropeo ng dalaga ng yumaong veteran dancer-choreographer na si Lito Calzado.
Malapit sa puso ni Iza ang bansang Japan laluna ang Tokyo at Osaka dahil madalas umano nila itong puntahan ng kanyang parents when she was young dahil nagpapadala noon ng Filipino talents ang kanyang mga magulang sa nasabing bansa.
- Latest