Renz Verano at Go Girls may concert sa Manila Bay Seasports Festival
MANILA, Philippines - Sina Renz Verano at ang Go Girls ay magtatanghal sa awarding ng 2017 Manila Bay Seasports Festival, na gaganapin sa ika-19 ng Marso, alas-siyete ng gabi sa harap ng Rajah Sulayman Park sa Baywalk, na pamumunuan ng kilalang mga DJ na sina Kristine Dera ng 90.7 Love Radio at Tanya Chinita ng 101.1 Yes The Best.
Handog ng Manila Broadcasting Company at ng Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Seasports Festival ay magsasagawa ng mga labanan sa Dragon Boat Racing at stock/formula races ng mga bangkang de-motor.
Ilan sa mga koponang kalahok sa Dragon Boat championships ay ang Triton, Onslaught Racing Dragons, RCP Sea Dragons, Philippine Blue Phoenix, Rogue Pilipinas, Dragons Republic, One Piece Drakon Sangres, Pilipinas Wave Warriors, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, NTMA Dragons, Amateur Paddlers Philippines, Bruins, Speed Devilz, and Maharlika Drakon.
Nakatala namang lalahok ang batikang mga bangkero mula Antique, Aurora, Batangas, Bulacan, Cavite, Dumaguete, Ilocos Sur, La Union, Mindoro, Navotas, and Rizal
Ang 2017 Manila Bay Seasports Festival ay suportado ng Eyeberry, EO Optical, at MyJuiz.
- Latest