^

PSN Showbiz

Mang Ramon bawal pa sa maraming tao

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mawawala muna ng tatlong linggo ang magkasintahang James Reid at Nadine Lustre dahil magkakaroon sila ng concert tour sa Amerika. Sa pagkanta raw muna sila magpo-focus dahil buong taon din silang nag-teleserye.

“I want to focus more on music for awhile. It’s something I’ve always wanted to do. Something I’m very passionate about. I wanna give it a try,” paha­yag ni James.

Katatapos lang din ng kanyang album at sobrang excited siya dahil siya ang gu­mawa ng karamihan sa mga kantang nakapaloob dito. Cool Down ang title ng album na malapit na rin daw i-launch.

PAK: Narinig naming usap-usapan sa ilang kaibigang movie reporters na tinatanggihan na pala nila ang imbitasyon ng talent manager na eklayero!

Okay lang naman daw sa mga reporter na maimbitahan sila, pero ang ‘di nila gusto ay meron daw itong tinitingnan at tinititigan. Kaya ang en­ding waley itong naiimbita ngayon.

BOOM: Medyo nakahinga na nang maluwag ang mga anak ng dating Sen. Ramon Revilla, Sr. dahil medyo okay na raw ang kalagayan ng kanilang ama pagkatapos nitong isinugod sa hospital recently lang.

Hindi pala talaga puwedeng ma-expose si Mang Ramon sa maraming tao, kaya baka may nasagap itong virus sa ilang mga dumalo sa kanyang kaarawan noong nakaraang linggo.

Pagkatapos lang kasi ng birthday niya ay nilagnat na ito kaya dinala agad sa hospital. Humina na ang kanyang resistensya kaya tinututukan na siya ng mga doctor.

Nabahala sila nung kamakalawa lang kaya pati si Sen. Bong Revilla ay nag-post sa kanyang Facebook account at humihingi ng dasal para sa kanyang ama. Pero okay na raw siya ngayon sabi ni Andeng Ynares na nagbabantay sa kanya.

MANG RAMON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with