^

PSN Showbiz

Binatang pitong taong nakulong dahil sa bintang, makakalaya na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ngayong Sabado, tunghayan ang kwento ni Dondon, isang binata na nasira ang mga pangarap para sa pamilya at nalagay ang buhay sa likod ng rehas dahil sa isang krimen na hindi naman niya ginawa.

Nagpapahinga lamang noon sa bahay mula sa maghapong pagtatrabaho ang 19 years-old na si Dondon nang bigla na lang siyang damputin ng mga pulis at tanod ng kanilang barangay. Kasama niyang dinampot ang dalawang menor de edad pang mga kalalakihan. Isang menor de edad na dalagita ang ‘di umano’y nalasing at ginahasa ng ilang kalalakihan sa kanilang lugar.

Isa si Dondon sa isinangkot sa krimen. Sa pag-usad ng kaso, tanging si Dondon na lamang ang naiwan para humarap sa kaso dahil nakatakas ang dalawang menor de edad. Anumang pagtanggi ni Dondon sa nangyari at pagbibigay ng testimonyang nagpapasinungaling sa bintang sa kanya, hindi siya pinaniwalaan ng korte at hinatulan siya ng reclusion perpetua sa kasong panggagahasa. Tuluyang nasira ang mga pangarap ni Dondon para sa pamilya at dinanas ang iba’t ibang uri ng paghihirap sa loob ng bilangguan.

Pero makalipas ang halos pitong taon na pagkakabilanggo, hatid ng Case Solved team ang isang magandang balita para kay Dondon at sa kanyang pamilya. Dahil sa wakas, si Dondon ay makakalaya na.

Samahan si Mr. Dingdong Dantes para saksihan ang simula ng panibagong buhay at pag-asa para kay Dondon at ang pagbabalik niya sa piling ng kanyang pamilya.

Tunghayan kung paano pinagdaanan ng inosenteng si Dondon ang mga pag-aakusa, pagbibintang, pagkakadakip, pagkakabilanggo at ngayo’y mu­ling paglaya, mula sa masusing pananaliksik ni Dantes Usman, sa panulat at dokumentaryo ni Pam Miras, sa mahusay na direksiyon ni Rechie Del Carmen, at sa paglalahad pa rin ni Mr. Dingdong ngayong Sabado ng hapon ang Case Solved pagkatapos ng Eat Bulaga.

DONDON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with