Kapalpakan sa pagtawag ng best picture sa oscars mas pinag-usapan
Parang Miss Universe 2015 na pinag-uusapan sa buong mundo ang wrong announcement ng best picture winner sa 89th Oscar Awards na live na napanood kahapon sa TV.
Ang Moonlight ang tunay na nanalo sa best picture category ng Academy Awards pero ang La La Land ang announced by Warren Beatty na abswelto dahil mali ang envelope na ibinigay sa kanya.
I’m sure, nag-iimbestiga na ang mga produ kung sino ang nag-abot kay Warren ng wrong envelope dahil ang pagkakamali ang pinag-uusapan ngayon, hindi ang bonggang presentation ng 89th Academy Awards na matagal na pinaghandaan, pinagpaguran at ginastusan.
Emma stone nag-ala pia wurtzbach
Nag-ala Pia Wurtzbach ang best actress winner na si Emma Stone na “Oh my God” lang ang nasabi nang malaman niya na nagkamali si Warren sa announcement ng nanalo sa best picture category.
Nakaakyat na si Emma sa stage, pati ang mga co-star at producer ng La La Land na nakapag-deliver na ng acceptance speech nang sabihin sa kanila na ang Moonlight ang tunay na winner.
Shocked na shocked ang audience na nag-akala na nagbibiro lamang ang mhin na nag-dialogue na ang Moonlight ang best picture, hindi ang La La Land.
Kahit nabigla ang lahat, super video ang ibang mga artista para may souvenir sila ng unexpected twist sa announcement ng best picture.
Kitang-kita naman sa reaksyon ni Warren ang pagtataka nang buksan nito ang best picture envelope at nang makita niya ang nakasulat.
Binasa pa rin ni Warren ang La La Land dahil hindi naman sumagi sa kanyang isip na mali ang envelope na natanggap niya.
Kahit first time Jimmy Kimmel kinaaliwan sa Academy Awards
In fairness, ang galing-galing ni Jimmy Kimmel bilang host ng Oscar Awards.
Walang dull moment kay Jimmy at nakakatawa ang kanyang mga hirit na hindi nakaka-offend.
Type na type ko ang kiyeme-kiyemeng feud nila ni Matt Damon na hit na hit din sa mga Hollywood star at television audience.
First time ni Jimmy na maging emcee ng Oscar Awards at mukhang mauulit pa sa susunod na taon dahil positive ang mga feedback sa hosting job niya.
Kilalang-kilala si Jimmy ng mga Pinoy dahil friend siya ni Senator Manny Pacquiao. Sa tuwing may boxing fight si Papa Manny, umaapir muna siya sa show ni Jimmy na itinuturing niya na lucky charm.
Nabigyan ng chance si Papa Manny na ipakita sa mga Amerikano ang singing talent niya dahil pinakanta siya ni Jimmy sa show nito.
Gm ng ptv4 may tinutulungang bata na may leukemia
Dinalaw ko sa St. Luke’s Hospital si Mighty Eli, ang bagets na may sakit na leukemia at tinutulungan ni PTV 4 General Manager Dino Apolonio.
Nakakaawa ang kalagayan ni Mighty Eli pero masuwerte siya dahil may isang kagaya ni Papa Dino na bukal sa loob ang pagtulong sa kanya.
Sa kabila ng busy schedule ni Papa Dino bilang general manager ng government owned television network, hindi siya nawawalan ng panahon sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Nakilala ko si Papa Dino mula nang mahalal na pangulo ng bansa si President Rodrigo Duterte. Si Secretary Martin Andanar ang naging instrumento para magkakilala kami ni Papa Dino.
Si Papa Dino ang dahilan kaya tumulong ako sa publicity at press launch ng Koreanovela na The Legendary Doctor. Siya lang ang kausap ko at wala nang iba pa kaya sa mga nang-iintriga na hindi alam ang tunay na kuwento, shut up na lang.
- Latest