^

PSN Showbiz

Shake, Rattle & Roll aariba sa TV plus

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy pa rin ang engrandeng second anniversary blowout ng ABS-CBN TVplus para sa kanilang mahigit dalawang milyong users dahil handog nito ang panibagong weekend na may libreng movie marathon sa Kapamilya Box Office (KBO) sa pag-ere ng tatlong pelikula mula sa hit horror franchise na Shake, Rattle & Roll.

Espesyal din ang KBO blowout dahil pwedeng mag-register sa KBO gamit ang kahit anong mobile network sim hanggang sa Linggo (Pebrero 19). Hindi naman kailangang mag-register ulit ang mga nag-register na sa KBO blowout noong nakaraang linggo dahil one-time registration lang ang kinakailangan para mapanood ang mga pelikula sa KBO blowout.

Mga kwento tungkol sa duwende, isang lighthouse, at isang sikat na nursery rhyme ang tampok sa  Shake, Rattle & Roll 13. Nakakatakot din na mga kwento ang handog sa Shake, Rattle & Roll 14 na tungkol naman sa pamana, isang madugong military operation, at pagtakas mula sa isang abandonadong mall. Samantala, umiikot ang Shake Rattle & Roll 15 sa mga halimaw tulad ng tiyanak at taong ahas.

Pinagbibidahan ang Shake, Rattle & Roll nina Kathryn Bernardo, Zanjoe Marudo, Eugene Domingo (Shake Rattle & Roll 13), Herbert Bautista, Janice de Belen, Arlene Muhlach (Shake, Rattle & Roll 14), Erich Gonzales, Carla Abellana, at Lovi Poe (Shake, Rattle & Roll 15).

Para mag-register gamit ang kahit anong mobile network sim hanggang ngayong Linggo, i-text ang KBOBLOWOUT space <TVplus box ID> space <name> space <address> to 23661. Libre ang pag-text ng ABS-CBNmobile subscribers, habang may standard SMS rates naman para sa ibang mobile networks.

 

KAPAMILYA BOX OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with