Maxene engaged na rin!
Ang magkasintahang Maxene Magalona at Robby Mananquil ang pinakabagong engaged couple na nangyari mismo last February 14, 2016 sa loob ng Tokyo Dome in Tokyo, Japan kung saan nagbakasyon ang dalawa.
Nanghinayang ang Magalona sisters na hindi na inabutan ng kanilang ama ang kanilang pagkakaroon ng partner.
Pacman inaasahang magiging madalas na naman ang pag-aa-absent
Ang buong akala ng buong mundo ay tuluyan na ang pagreretiro ng Pambansang Kamao-turned politician na si Manny Paquiao matapos niya muling patumbahin ang dating two-division champion na si Timothy Bradley.
Si Pacman na siyang may hawak ng eight-division world champion ay kayang pagsabayin ang pagiging boxer at senador.
Inaasahang muling babalik ang boxing senator sa ring sa darating na Abril para sa laban nila ng Australian boxer Jeff Horn na gaganapin sa United Arab Emirates (UAE). Pero nagsabi si Pacman na gusto niya na sa Pilipinas ganapin ang kanyang huling laban.
Nung kongresista pa si Pacman, madalas itong absent sa kamara dahil sa kanyang boxing trainings na malamang mangyari rin ngayong senador na siya hanggang hindi niya tuluyang ipinagpapahinga ang kanyang boxing gloves.
Jinggoy birthday wish na maging normal na ulit ang buhay
Sa February 17 ang ika-54th birthday ng actor at dating senador na si Jinggoy Estrada pero magkakaroon ng advance celebration sa loob ng Camp Crame Detention Center ngayong gabi (Feb. 16) na dadaluhan ng kanyang pamilya, malalapit na kaanak, at mga kaibigan.
Hanggang ngayon ay birthday wish pa rin ni Jinggoy ang tuluyan nang makalaya sa pagkaka-detain kasama ang kaibigang si Bong Revilla na magpi-51 naman on September 25.
Hindi nawawalan ng pag-asa ang magkaibigang Jinggoy at Bong na makakamtan din nila ang hustisya at tuluyan silang makakalaya.
Samantala, nagpapasalamat pareho sina Jinggoy at Bong sa kanilang mga kaibigan na walang sawang dumadalaw sa kanila at nagpapakita ng suporta sa kabila ng ilang taon na nilang pamamalagi sa loob ng detention cell.
Maligayang kaarawan, Jinggoy.
Maraming salamat…
Nais kong ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga tumulong, sumuporta, nakiramay, nagpadala ng mga bulaklak, mass cards, nagpadala ng mga mensahe ng pakikiramay sa pamamagitan ng text at social media sa pagyao ng aking kapatid na si Mario Amoyo.
Sa inyong lahat, maraming-maraming salamat po.
- Latest