Donita Nose nagpursige hanggang maging matagumpay na komedyante
MANILA, Philippines - Tunghayan ang kwento ng comedian/host ng Wowowin na si Donita Nose ngayong Sabado sa Magpakailanman. Alamin kung paano niya napagtagumpayan ang kahirapan at nalagpasan ang mga pagsubok sa buhay. Binansagan daw siyang Donita Nose dahil idol niya si Donita Rose at dahil matangos ang ilong niya.
Bata pa lamang si Donita o Ogie na ang tawag sa kanya noong maliit pa ay hindi na siya tanggap ng kanyang tatay. Kahit na-stroke ang tatay niya ay nasasapak siya nito dahil bakla raw siya. Dahil ang nanay na lang niya ang nag-tratrabaho bilang janitress, tumulong si Donita sa pagtitinda sa palengke ng plastic, saging at kung anu-ano pa. Ngunit hindi sapat ang lahat ng ito para mapalapit siya sa kanyang ama. Ipinadala siya sa Iligan City para doon mag-aral pero naging alipin lang siya sa piling ng kanyang tiyuhin. Nagpursige pa rin siyang matapos ang high school. Bumalik siya sa Maynila at nag-aral ng kolehiyo. Nag-working student din siya sa isang restaurant hanggang makatapos ng pag-aaral. Pero dinala siya ng kapalaran sa pagiging comedian/singer host sa mga comedy bar. Hanggang sa nasadlak siya sa sugal. Muling nakabangon hanggang sa na-discover siya ni Willie Revillame at dito na siya nakatayong muli.
Alamin ang kuwento ni Donita Nose, kung paano siya naging matagumpay sa buhay na pinangungunahan mismo ni Donita Nose. Itinatampok din sina Tina Paner, Cris Villanueva, Jeric Gonzales, Mark Justine Alvarez, Sancho delas Alas, Gilleth Sandico, Mega Unciano, at Janelle ”Kimchi” Tee.
Mula sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz, mapapanood ang Sweet Smell of Success ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.
- Latest