Ellen sinagot ang nangyarisa kanila ni John Lloyd! Aktor pinanindigang wala silang balikan ni Angelica
Itinanggi ni Ellen Adarna na naging sila ni John Lloyd Cruz.
Months ago nang mag-post si Ellen ng photo nila ng actor. May ilang nagmalisya na may something sa kanila ni John Lloyd na nakakatrabaho niya sa Home Sweetie Home (na nagsi-celebrate ng kanilang third anniversary) at naging rason kaya mabilis na natapos ang relasyon nila ni Baste Duterte.
Maging si John Lloyd ay nagsabing matagal na matagal na silang magkakilala ni Ellen. Nakilala raw niya ito noon sa Cebu. “Sa Cebu pa lang, hindi pa ako artista,” sagot uli ni Ellen.
Anyway, itinanggi rin ng actor na nagkaroon sila ng secret reconciliation ng ex na si Angelica Panganiban. “We’re good friends. Pero hindi po kami.
“Wala po kaming relasyon. But we are very good friends,” sagot niya sa mga paulit-ulit na pangungulit sa kanya matapos silang makita ni Angelica sa isang restaurant kamakailan na mabilis na kumalat na nagkabalikan na raw sila.
Richard and Judy Ann serye, wala nang pag-asa
Wala nang pag-asang matuloy ang serye na pagsasamahan sana nina Judy Ann Santos and Richard Yap.
Ito ay kahit balitang nag-renew na ng contract si Juday sa Kapamilya Network pagkatapos niyang manganak.
Mismong ang Chinoy actor na ang nag-confirm kahapon sa launching ng album nila ng singer-songwriter na si Richard Poon, ang Richard x Richard, na hindi na ‘yun itutuloy. Ibang serye na lang daw ang gagawin niya.
“I think she wants to have more time with her baby,” sabi ng Chinoy actor na nahasa na rin sa pagkanta.
Unang pagtatambal nila ni Richard Poon para sa isang album ang Richard x Richard na puno ng classic love songs, handog sa mga in love ngayong buwan ng pag-ibig, February.
Pero second project na ito ng Chinito crooners - nauna na ang kanilang matagumpay na concert noong nakaraang taon kung saan hindi nila inasahang tatauhin. Yup, ikinagulat nila dahil kahit tapos na ang concert, pumila pa ang maraming Chinese na nanood, bumili ng album, at magpa-autograph.
At dito nila naisipang magsama sa album. ‘Yun nga lang wala silang duet na kanta dahil hindi magtugma ang schedule nila nung time na nagre-record sila ng album.
“It’s a purely romantic album. Pareho kaming excited, lalo na sa mga kanta at genre. Noong unang nabanggit sa amin ‘to, naramdaman namin na talagang magugustuhan ng mga tao,” sabi ni Richard Poon.
Laman ng Richard x Richard ang sampung love songs -- limang inawit ni Poon at lima rin ni Yap -- na naging paborito na ng iba’t ibang henerasyon.
Mapapakinggan dito ang mga bersyon ni Poon ng Love Boat, Can’t Smile Without You, Grow Old With You, The Last Time, at Goodbye. Hindi naman nagpahuli si Yap sa covers niya ng You’ll Never Find Another Love Like Me, Nothing’s Gonna Change My Love for You, You Can’t Hurry Love, Don’t Know What to Do, Don’t Know What to Say, at Promise Ain’t Enough.
“I think it’s very interesting dahil big band swing ang genre ni Richard Poon, and ako naman pop ballad, and you get that in one compilation. I’m thrilled and isa itong dream collaboration para sa akin,” pahayag ni Yap na dati palang member ng Glee Club at nagpa-voice coach para kuminis ang kanyang boses.
Mabibili na ito sa record bars nationwide sa halagang P250. Maaari na rin itong ma-stream at ma-download sa Apple Music, iTunes, at Spotify.
- Latest