^

PSN Showbiz

Talent manager ng singer nakakabaliw ang mga demand!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Minsan ay humingi ng tulong sa isa nating kababayan ang mga Pilipinong nagpaplanong magprodyus ng concert sa bansang kinaroroonan nila. Pero wala silang alam kung paano. Kailangan nila ng tutulong sa kanila na nandito sa Pilipinas.

May naisip ang ating kababayan. Kunin nila ang serbisyo ng isang magaling na male performer dahil panalo siyang mag-show. Buhay na buhay. Kaya niyang dalhin ang show kahit mag-isa lang siya.

Pumayag naman ang mga prodyu. Kausapin na raw agad ng kababayan natin ang male personality para makapaghanda na rin sila. Marami pa kasing aasikasuhin tulad ng venue, sponsors at kung anu-ano pang mga detalye.

Kuwento ng aming source, “Excited ang mga producers, ‘yun kasi ang magiging take-off nila sa pagdadala ng mga artista at singers sa bansang kinaroroonan nila.

“Kaso, sa umpisa pa lang, e, nagkaroon na agad ng problema. Ang gusto ng manager ng singer, e, kunin na rin ng mga producers ang ibang mga alaga niya. Bagsak-presyo na lang daw, basta makasama lang ang mga alaga niya sa show.

“Pero ang sinasabing bagsak-presyo ng manager, e, super-laki pa rin! Hindi ‘yun kaya ng mga produ­cers, maliit na grupo pa lang sila, kaya hanggang makatitipid, e, ‘yun ang kailangan nilang gawin.

“Nanindigan ang manager ng male performer, kundi kukunin ang mga alaga niya, e, hindi rin gagawin ng male personality ang show. Naloka ang kumakausap sa manager!” simulang kuwento ng aming impormante.

Umuwing luhaan ang negosyador, hindi sila nagkasundo ng manager ng male performer, naghanap na naman ito ng ibang singer na maipadadala sa ibang bansa. Pero biglang tumawag sa kanya ang manager ng unang male performer.

“Payag na raw siya sa pinag-usapan nilang budget, hindi na rin daw kasama sa concert ang iba niyang mga alaga. Pero may bagong kuda ang manager. Nalokah ang negos­yador!

“Isasama raw ng male performer ang kanyang mga anak, lima raw silang bibiyahe, kailangan daw ng room ng mga anak ng singer, three additional hotel rooms ang kailangan.

“Puro first class tickets din daw ang kailangan ng pamilya, nagpadala pa ng listahan ng mga pagkain nila ang manager, choosy!

“Ang mga producers na ang tumanggi, OA ang dating sa kanila ng mga hinihingi ng manager, hindi kaya ng budget nila ang mga ikinukuda ng manager. Nakakalokah ang manager na ‘yun, super-OA!” inis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Bong Revilla pinagdadamutan ng hustisya

Magtatatlong taon nang nakapiit ngayon sa PNP Custodial Center sina Senador Bong Revilla at Senador Jinggoy Estrada. Ikinulong agad sila kahit hindi pa nasisimulang dinggin ang mga kasong isinampa laban sa kanila.

Napakahaba na nang tatlong taon, lalo na’t ni hindi umuusad ang hearing tungkol sa mga asuntong ibinibintang sa kanila, sinuman ang lumagay sa kanilang sitwasyon ay siguradong aapuntahan na ng pagkainis at pagkainip.

Tulad na lang ni Senador Bong na umabot na sa sukdulan ang pangunguwestiyon kung bakit palagi na lang nauurong ang pagdinig sa kasong ibinabato laban sa kanya.

May kasabihan na justice delayed, justice denied, hindi natin masisisi ang aktor-pulitiko kung isipin man niya na masyado nang ipinagdadamot sa kanya ang hustisya.

Napakalayo na nga ng agwat ng pagdinig ng kaso, kapag pinagkasunduan na ang petsa ng susunod na hearing ay babaguhin na naman, kesyo may kailangang ayusin pa raw ang prosekusyon bago sila magharap sa hukuman ng First Division ng Sandiganbayan.

Pasensiyoso ang senador, pero kapag naman masyado nang inaabuso ang kanyang kabaitan ay kailangan na rin niyang sumigaw, hindi na parehas ang ginagawang pagdinig sa mga kasong ibinabato laban sa kanya.

Nakakulong na nga kahit hindi pa nagsisimula ang paglilitis, kapag nakakuha ng petsa para sa hearing ay iniuurong pa, hindi nga ba naman delaying tactic na ang pinaiiral ng kanyang mga katunggali?

TALENT MANAGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with