^

PSN Showbiz

Dating Streetboys member na si Danilo big time na, may sariling kumpanya!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Can afford nang hindi bumalik sa showbiz ang former Streetboys member na si Danilo Barrios dahil humahataw ang kumpanya na itinayo nila ng kanyang misis na si Regina Soqueno-Barrios.

Si Danilo ang presidente at si Regina ang CEO ng Tatiomax Pharma Corporation, ang manufacturer ng Tatio Active Dx, ang capsule na effective, safe at affordable na skin whitening, ayon sa mga celebrity endorser na sina Daiana Menezes at Sugar Mercado.

Noong Sabado, opisyal na ipinakilala nina Danilo at Regina si Kris Bernal bilang newest brand ambassador nila.

Sinabi ni Kris na bago nito tinanggap ang offer, sinubukan muna niyang gamitin ang Tatio Active Dx.

Very positive raw ang epekto sa kanya dahil nagkaroon siya ng glowing skin kaya hindi na nag-second thought si Kris na tanggapin ang alok ng Barrios couple.

Sugar ng Sexbomb Dancers for life nang ‘di malalapitan ng dating asawa!

Pinag-usapan at pinagpistahan noong nakaraang taon ang Facebook post ni Sugar Mercado tungkol sa dalawang anak niya na pinipilit na kunin ng kanyang estranged dyowa na si Kristoffer Jay Go.

Ang isyu ng custody case nila ni Kristoffer ang ipinasagot kay Sugar sa bonggang event ng Tatiomax Pharma Corp.

At peace with herself na si Sugar kaya nakakapagkuwento na ito tungkol sa mga bagong development sa iringan nila ni Kristoffer. Pumapayag na rin siya na mahiram ng dating asawa ang kanilang mga anak.

“Una sa akin,’yung kapakanan ng anak ko. ‘Yon ang hindi ko ipinagdaramot. Hindi ko iniisip ang sarili ko, Gusto ko ‘yung the best para sa mga anak ko.

“Sa tulong ng dasal ko, medyo napapatawad ko na rin sila pero siyempre, ‘yung mga nagawa nila, may batas tayo para doon. ‘Yung akin lang, para lang peaceful ang life, masaya lang para maasikaso kong mabuti ‘yung pamilya ko po kaya pinatawad ko na sila,” ang sharing in the city ni Sugar na forever nang hindi puwedeng lapitan ni Kristoffer dahil sa Permanent Protection Order na ibinigay ng korte sa former SexBomb dancer.

“May PPO po ako. Habambuhay siya na hindi makakalapit sa akin. Napakapalad ko at ang bait sa akin ng Diyos dahil sa lahat ng nag-ano..walang nagbigay ng desisyon na ganoon.

“Ako lang ang binigyan ng pagkakataon ng judge. First time po sa Pilipinas na mabigyan nang ganoon. Marami nang kaso na ganoon pero hindi naga-grant.

“Ako po, nakita nila ang ebidensya lahat. Nakita po ng judge na noong una, talagang nanginginig ako. Pakiramdam ko, lahat ng lumalapit sa akin, sinusundan ako kasi sa mga nangyari sa akin.

“Pasalamat pa rin ako dahil may batas, kahit mahirap ka. Saka ‘yung Gabriela, ‘yun ang tumutulong sa akin kasi hindi ako nagbabayad ng abogado. Ang laki-laki ng tulong na ibinibigay sa akin,” ang sabi pa ni Sugar na isang loving mother, sa isip, sa salita at sa gawa kaya gagawin niya ang lahat para hindi mawalay sa kanya ang mga bagets.

“Mas kawawa sila kapag napunta sila kung kanino eh alam ko kaya kong ibigay sa kanila ‘yung pagmamahal saka ‘yung magandang asal habang lumalaki sila kasi kahit hindi naman po ako nakapagtapos ng pag-aaral pero ‘yung pagmamahal, ‘yung itinuro sa akin ng mga magulang ko, ‘yun ‘yong hindi mo siya mababayaran ng kahit na magkano.

“Sabi ko alam ko, ako pa rin ang pipiliin ng mga anak ko dahil alam nila kung ano ‘yung isinakripisyo ko,” ang confidently beautiful with a heart na sabi ni Sugar.

DANILO BARRIOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with