^

PSN Showbiz

Venus relate na relate sa pambibira kay Maxine!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Venus relate na relate sa pambibira kay Maxine!
Venus Raj

Bukas na gaganapin ang pinakaaabangang 65th Miss Universe sa MOA Arena. Mamayang gabi naman ang red carpet event kung saan ay isa sa mga co-host si Venus Raj. Isang malaking karangalan daw para sa Miss Universe 2010 4th runner-up na maging bahagi sa makasaysayang event na ito. “I will be doing the red carpet co-hosting, and during the competition sa backstage. I’m excited, I’m just really honored. Parang 2010 pa ako nanalo and now na dito gaganapin sa Pilipinas, mas malaking bagay na maging part ako ng Miss Universe,” nakangiting pahayag ni Venus.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon ang beauty queen tungkol sa dinaranas na pamba-bash ng mga tao sa pambato natin na si Maxine Medina. “Sobrang relate ako kay Maxine ngayon sa mga bashers. Kasi during my time, many, many bashers were bashing me na pakiramdam ko nga talaga kung dapat ba talaga ako mag-compete o hindi? Pero in a way, that was also the Lord’s way of introducing me to people dahil do’n sa dethronement (issue) at dahil doon, nakilala ako ng mga tao hindi lang sa Pilipinas kundi sa international scene,” pagbabahagi ni Venus.

Xian guguluhin sina Bea at Ian

Mapapabilang na si Xian Lim sa teleseryeng A Love To Last na pinagbibidahan nina Bea Alonzo and Ian Veneracion. Ngayon pa lamang ay excited na raw ang aktor na makatrabaho ang buong grupo ng nasabing serye. “I was really excited. Matagal na ito, I think this was mentioned to me last year. They mentioned if I want to be part of A Love To Last,” bungad ni Xian.

Kaabang-abang ang karakter na gagampanan ng aktor dahil kababata at manliligaw siya ni Andeng na ginagampanan ni Bea. “Ang pangalan niya is Totoy at kababata siya ni Andeng at mahal na niya si Andeng bata pa lang, noong college days. Kaso naunahan lang siya ni Jerold (Victor Silayan) but now he’s back and will do everything to win Andeng,” pagbabahagi ni Xian.

Aminado rin ang binata na matagal na niyang hinahangaan si Bea bilang isang magaling na aktres kaya isang karangalan na makatrabaho niya ang dalaga. “I’m a huge fan of One More Chance (pelikula nina Bea at John Lloyd Cruz) and to be sharing a screen with her is overwhelming,” giit ng aktor.

Umaasa rin si Xian na magiging regular cast member na siya ng nasabing serye. “I hope so. It’s such a good story. I don’t know exactly how long ‘yung duration ng character ni Totoy. I haven’t seen the final script but hopefully, yeah,” pagtatapos ni Xian.

VENUS RAJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with