Maxine ramdam na magwawagi sa Miss U!
Sobrang abala na ngayon sa kanyang paghahanda si Maxine Medina para sa gaganaping Miss Universe sa bansa sa January 30. Ayon sa beauty queen ay talagang nai-enjoy niya ang bawat sandali na kasama ang lahat ng mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa. “I’m having fun. All the moments I’ve been with the candidates, they’re all asking me questions about the Philippines. They’ve been asking me Tagalog words. I’m enjoying it. Every moment of it because this is once in a lifetime,” nakangiting pahayag ni Maxine.
Maraming tips daw ang ibinahagi sa dalaga ng reigning Miss Universe at kababayan nating si Pia Wurtzbach para sa nalalapit na beauty pageant. “She doesn’t want me to be pressured too much. She just wants me to enjoy being me, being myself because Miss Universe is different now. You have to break that stereotype of being just like a beauty queen, just like a queen. You have to give it all, your character, what you can be, that you can prove them all that you can be anything,” pagbabahagi ni Maxine.
Samantala, nagbigay din ng reaksyon ang dalaga tungkol sa naging pahayag ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz na hindi umaasang mananalo ang Pilipinas ngayong taon dahil nanalo na noong isang taon. “Well everyone seems to think that because Gloria Diaz is also a candidate who won in another country. Let’s see on the pageant itself. No, I’m not affecting myself with that. Everyone thinks that way and who knows? We can have a back to back (na panalo). Venezuela did that in her own hometown. I’m not affecting myself so much because I’m here actually to focus to win the crown again for the Philippines,” giit ni Maxine.
Luis patatali sa gf na dating kaibigan
Isang garden wedding ang nakatakdang maganap sa Tagaytay sa February 17. Pakakasalan na ni Luis Alandy ang non-showbiz girlfriend na si Joselle Fernandez. Ayon sa aktor ay napapanahon na talaga upang lumagay sila sa tahimik ng kasintahan. “Ready na ako. It’s fun, a new chapter I look forward to. Siyempre nakikita ko na all of my siblings are already married, masaya naman sila. Hindi na rin naman bago ito, na parang bigla akong ikakasal,” nakangiting pahayag ni Luis.
Dalawang taon nang kasintahan ng aktor si Joselle at para kay Luis ay nakita at naramdaman niyang ang dalaga na ang kanyang makakasama sa habangbuhay. “Sobrang love ko siya at nakita ko na talagang siya na. She has a good family, ‘yung personality niya, we jive together. Hindi na siya ‘yung parang kailangan mo pang i-discover. So bakit hindi na lang gawing forever ‘di ba? Hindi siya love at first sight. We’re friends for more than a year then it evolved. Mas okay ‘yung gano’n, na sa friendship nag-start ‘yung relasyon para mabigat ‘yung foundation saka less inhibitions,” pagdedetalye ng aktor.
- Latest