^

PSN Showbiz

Donna Villa may naiwang ‘di tapos na pelikula!

THAT DOES IT - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Habang tinitipa namin ang kolum na ito ay hindi pa rin kami halos makapaniwala na wala na ang ever amiable lady producer na si Donna Villa. Si Donna ay sumakabilang-buhay nung nakaraang Martes ng alas-3 ng hapon sa UST Hospital dahil sa sakit na cancer of the uterus na nagawa niyang ilihim kahit sa malalapit niyang kaibigan in and out of the industry.

Si Donna ay kilala sa pagiging mabait, ma-PR at generous lady producer kaya maraming taga-industriya ang nagmamahal sa kanya. Siya ang mapagmahal na kabiyak ng writer-director na si Carlo J. Caparas at ina nina CJ at Peach.

At the age of 13 ay isa nang matagumpay na negosyante sa kanyang hometown sa Cebu si Donna na nagmula sa isang Buena familia. She was still very young nang pasukin niya ang pag-aartista at pagiging movie producer under her own film outfit, ang Villa Films. Isa sa mga pelikulang nagawa noon ni Donna ay ang Ligaya Mo, Kasawian Ko na pinagsamahan nila ng yumaong Drama King na si Eddie Rodriguez at ipinalabas noong 1978.

Ang height ng pagiging lady producer ni Donna ay nangyari nung early 90’s nang kanyang buuin ang Golden Lions Films kasama ang asawang writer-director. Ang film outfit ng mag-asawa ay nakilala sa pagpu-produce ng mga true-to-life and massacre movies tulad ng The Vizconde Massacre na pinagbidahan ni Kris Aquino, ang The Myrna Diones Story, Liza Arandia Massacre, The Cecilia Masagca Story, The Lilian Velez Story, The Annabelle Huggins Story at iba pa.

Ang mag-asawang Donna at Carlo J. din ang nag-produce ng box-office hit movie in 1994 ni Dawn Zulueta, ang The Maggie dela Riva Story and quite a number of other box-office true-to-life story movies at kasama na rito ang ibang mga pinasikat na nobela ni Direk Carlo J.

At the time of her death, may dalawang tinapos na pelikula ni Donna na hindi pa naipalalabas sa mga sinehan, ang trilogy movie na Miracles are Forever at ang Kamandag ng Droga na nasa post-prod stage na. 

The last time na nakita namin si Donna sa tanggapan ng Viva ay sinabi nito sa amin na magiging busy ang taong 2017 dahil sa maraming proyekto na kanyang gagawin.

Isang malaking kawalan si Donna hindi lamang sa kanyang sariling pamilya kundi maging sa mga taong malalapit sa kanya at sa movie industry.

Iniwan ni Donna ang kanyang asawang si Direk Carlo J. Caparas at dalawang anak.

Ang mga labi ni Donna ay kasalukuyang nakahimlay sa Cosmopolitan Chapels and Crematory at The Ascension along Araneta Avenue, Quezon City.

Elizabeth Oropesa wala raw kupas ang galing

Puring-puri ni Direk Gil Portes ang veteran actress na si Elizabeth Oropesa na artista niya sa pre-Valentine offering ng T-Rex Entertainment, ang Moonlight Over Baler na pinagbibidahan ni Vin Abrenica with Ellen Adarna and Sophie Albert dahil hindi nawawala ang brillo nito bilang isang mahusay na aktres at pagiging professional nito sa trabaho. “I always love working with Oro (palayaw ni Direk Gil kay Elizabeth). She’s a delight to work with,” pahayag ng premyadong director.

Beteranang choreo na si Geleen Eugenio nag-i-enjoy sa pag-arte

Mukhang nag-i-enjoy ngayon sa kanyang acting career ang veteran dance choreographer na si Geleen Eugenio na siyang gumaganap sa papel ng Loleng sa magsisimulang teleserye ng Siyete, ang TV adaptation ng pelikulang Pinulot Ka Lang sa Lupa na idinirek noon ng premyadong yumaong director na si Ishmael Bernal at tinampukan nina Lorna Tolentino, Maricel Soriano, Gabby Concepcion, at Eddie Garcia under Regal Films at ipinalabas noong 1987.

Bukod sa pagsasayaw at pag-arte, matagal na ring talent manager si Geleen na nakarelasyon noon ang character actor na si Baldo Maro.

“Wala na ang lovelife sa akin.  May apo na ako ngayon at sa apo na ang attention ko,” natatawang pahayag ni Geleen na aminadong nag-i-enjoy siya sa kanyang new-found career, ang acting.

“Sana noon ko pa ito ginawa,” biro pa niya.

Si Geleen ay isa sa mga veteran dance choreographers na nagpakilala at nagpauso ng iba’t ibang klase ng dance craze laluna nung dekada otsenta.

DONNA VILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with