^

PSN Showbiz

Jeron kontra na kumuha si Maxine ng interpreter

SHOOTING STRAIGHT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi agree ang basketball player na si Jeron Teng na gumamit si Maxine Medina ng interpreter sa Miss Universe 2016.

Opisyal na ipinakilala kahapon si Jeron bilang team member ng AMA Online Education at maglalaro siya ngayon sa PBA D-League Aspirant’s Cup.

Para kay Jeron, malaking karangalan na kinuha siya para maging member ng basketball team ng AMA OED.

Inglisero si Jeron kaya in English ang kanyang statement na “Representing an institution like AMA gives me a sense of pride and motivation to perform my best. I’m grateful to be given the opportunity to carry the flag for students of AMA’s online schools.”

La Sallista si Jeron at graduate naman ng La Salle-College of St. Benilde si Maxine kaya tinanong siya tungkol sa isyu ng paggamit ng dalaga ng interpreter sa tanungan at sagutan portion ng 65th Miss Universe.

Ang gumamit ng interpreter ang unsolicited advice kay Maxine ni 1969 Miss Universe Gloria Diaz.

“She is a Filipina and I don’t think it will make her less of a beauty queen if she will decide to use our language on the grand coronation,” ang sey ni Gloria sa isang interbyu. Sinabi rin ng first Pinay Miss Universe na kumuha ng interpreter ang unang sasabihin niya kay Maxine kapag nagkita sila.

Iba naman ang katwiran ni Jeron na nag-dialogue na hayaan si Maxine sa gusto nito dahil mas mahalaga na suportahan ng mga Pilipino ang official representative ng Pilipinas sa Miss Universe.

Donna Villa hanggang bukas na lang ang burol

Pumunta ako sa burol ng actress at movie producer na si Donna Villa pagkatapos ng presscon kahapon ng AMA Online Education para kay Jeron Teng.

Nakaburol ang labi ni Mama Donna sa Cosmopolitan Memorial Chapels and Crematory sa Araneta Avenue, Quezon City.

Hindi pa cremated ang labi ni Mama Donna nang dumating ako sa Cosmopolitan Memorial Chapel dahil nagkaroon muna ng misa.

Ikinabigla ng local entertainment industry ang pagpanaw ni Mama Donna noong Martes dahil walang nakaalam na may sakit siya at matagal na na-confine sa UST Hospital.

Maaga ako na natulog noong Martes at paggising ko kahapon, ang napakarami na mga text message sa cellphone ko ang bumulaga sa akin mula sa friends na ibinalita ang pagpanaw ng producer ng Golden Lions Films at loving wife ng multi-awarded writer at director na si Carlo J. Caparas.

Cancer of the uterus ang ikinamatay ni Mama Donna na malaki ang kontribusyon sa local movie industry kaya marami ang nagmamahal sa kanya.

Nalaman ko na sinadya ni Mama Donna na ilihim ang kalagayan niya. Kahapon na lang lumabas ang balita na na-confine siya sa ospital noong December 2016.

Ang pagkakasakit ni Mama Donna ang dahilan kaya wala siya sa 64th FAMAS na ginanap sa Century Park Hotel noong December 4, 2016.

Kung mabuti ang pakiramdam ni Mama Donna, tiyak na dumalo sila ni Papa Carlo sa Gabi ng Parangal ng FAMAS dahil nominated ang kanilang anak na si Ysabelle Peach.

Ang magkapatid na Ysabelle Peach at CJ ang magkasama na dumalo sa 64th FAMAS. Hindi nasayang ang pagdalo nila dahil si Ysabelle Peach ang nanalo ng Best New Female Artist dahil sa pagganap niya sa remake ng Angela Markado na pinagbidahan ni Andi Eigenmann. Win din si Andi ng Best Actress trophy dahil sa acting niya sa pelikula na mula sa panulat at direksyon ni Papa Carlo.

Nagsimula kagabi, 9 p.m., ang lamay para sa cremated remains ni Mama Donna na ibuburol lamang hanggang bukas, January 20, sa Cosmopolitan Memorial Chapel.

JERON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with