^

PSN Showbiz

Anak ni Boyet ayaw sumuko sa pangarap na maging beauty queen, LJ hindi pinatos ang drama ni Ara Miss Italy drama lang daw ang pagkahimatay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi pa nagsimula ang presscon ng pelikulang Across the Crescent Moon na isinulat at idinirek ni Baby Nebrida, may ilang reporters na  nagtanong sa amin kung totoong sasali uli sa Binibining Pilipinas ang dalagang anak ni Christopher de Leon na si Mariel de Leon.

Kasali rin pala sa naturang pelikula si Mariel at Sandy Andolong, pero wala lang sila sa naturang presscon.

Ayon kay Boyet, ang pagkakaalam daw niya ay pursigido si Mariel na sumali uli. Hindi lang siya nakapagsimulang mag-training sa ngayon dahil abala pa ang lahat sa Ms. Universe 2016.

Pero ang sabi ng premyadong aktor, nandiyan daw ang suporta nilang lahat at hindi raw nila ito pipigilan kung iyun talaga ang pangarap ng kanyang unica hija.

“This is her dream - to be a beauty queen, sige lang. I don’t wanna stop her from dreaming. I just want to support her to her quest to be a beauty queen,” saad ni Boyet sa presscon ng Acress the Crescent Moon na magsu-showing na sa January 25.

PAK: Sadyang hindi na pinadalo si Ara Mina sa presscon ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Pinulot Ka Lang sa Lupa. Siya ang hinahanap ng reporters doon, pero no show ang aktres.

Nagkaroon na raw nang pag-uusap sa management si Ara at tiniyak nilang hindi na ito aalis sa naturang serye.

Kasali naman si Ara sa backdrop na naka-display sa presscon. Kasama niya ang iba pang bida na sina Julie Anne San Jose, LJ Reyes, Benjamin Alves, Martin del Rosario at Jean Garcia.

Sabi ni LJ, wala raw talaga siyang ideya kung ano ang problema dahil kagagaling lang daw niya ng Amerika. Kaya nagulat na lang daw siya nang nakarating sa kanya ang isyung iyun.

“Okay naman kami sa set eh. Ang dami na rin naming na-tape ni Ate Hazel (tawag kay Ara).

“Hindi ko na muna siya tinawagan para kumustahin kasi baka magmukha lang akong nakikitsismis. So, mas mabuting pag magkita kami in person para matanong ko siya if she’s okay or not.

“Gusto ko naman makasama si Ate Hazel sa show kasi si Cristine na sister niya close ko talaga ‘yun. Saka gusto ko rin ituloy ang magandang nasimulan naming working relationship kasi marami na rin kaming nakunang eksena na magaganda na masaya lang,” pahayag pa ni LJ sa presscon ng Pinulot Ka Lang sa Lupa na magsisimula na sa January 30 pagkatapos ng Hahamakin ang Lahat.

BOOM: Pinagdudahang nag-drama lang itong si Ms. Italy Sophia Sergio na hinimatay sa Governor’s Ball na ginanap sa SMX Mall of Asia kamakalawa ng gabi.

Bago ang Parade of Nations ay nakaramdam na raw ito nang pagkahilo kaya binuhat na siya palabas. Pero ilang sandali lang ay ibinalik na rin at nag-thumbs up pa ito na okay na raw siya. Na-dehydrate lang daw ito.

Kaya ang duda ng mga ba­ding na nandun sa event, itong si Ms. Italy na naman ang umeksena. Ganun daw kasi ang ilang mga kandidata sa Ms. U, nagkakanya-kanya silang eksena para mapansin.

Kahapon ay nasa Lapu Lapu City, Cebu sila para sa pictorial ng Swimsuit Competition at inaa­sahang meron na namang eeksena roon. Pero mahigpit pala ang security doon sa Cebu, at ang ilang bahagi nga raw ng Lapu Lapu City ay tinanggalan muna ng signal ang cellphone.

BOYET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with