^

PSN Showbiz

Maxine mas dapat ipagdasal kaysa punahin ang Ingles!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Habang nalalapit ang pageant ng Miss Universe na dito sa bansa gaganapin ay lalong lumalayo ang tsansa ni Maxine Medina, ang Bb. Pilipinas-Universe natin na maulit ang tagumpay ni Pia Wurtzbach dahil na rin sa marami nating kababa­yan na tinatawaran hindi lamang ang kanyang ganda kundi maging ang hindi niya pagiging matatas sa pagsasalita ng Ingles.

Hindi ko naman maisip kung bakit magiging problema ang pagiging hindi niya matatas sa Ingles, eh ang mga Latina na madalas manalo sa ganitong paligsahan ay hindi rin naman marunong mag-Ingles. Idagdag pa ang maraming representative ng ibang bansa na bopol din sa Inglesan.

Eh ‘di gumamit siya ng intepreter! Hindi naman ‘yung Ingles niya ang hahatulan sa Q&A kundi kung may substance at magaling ang sagot niya. Mas ma­bibiyayaan pa siya with an interpreter dahil hahaba ang exposure niya. Tayo namang mga kababayan niya, let’s all rally behind her. Sa ganda naman niya, hindi na siya mahuhuli sa maraming kandidata. Let’s pray too na may dala-dala siyang suwerte sa Miss U.

Sunshine at Sylvia pinagsasabong sa iyakan

Hindi magkatapat ang pagpapalabas ng dala­wang serye ng GMA at ABS-CBN na Ika-6 Na Utos at The Greatest Love, pero sila ang  pinaglalaban ng dalawang network hindi lamang sa paramihan ng ma­nonood kundi maging sa pagandahan ng istorya at maigting na performance ng mga artista gaya nina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion, at Ryza Cenon para sa Ika-6 Na Utos at Sylvia Sanchez, Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans, Aaron Villaflor, Joshua Garcia, atbp. sa The Greatest Love.

Infidelity ang tema ng serye ng GMA at tungkol naman sa Alzheimer’s disease ang tinatalakay ng sa ABS-CBN. Parehong nagpamalas ng kagalingan ng mga artista ang dalawang serye na ang una ay nagpagalit sa mga manoood dahil sa kataksilan ng isang lalaki sa kanyang asawa at ang kakapalan ng mukha ng kanyang kabit. Umaatikabong iyakan naman ang nagaganap sa mga anak ng isang ginang na sa kanyang kaarawan ay nag-aaway-away at biglang hindi na niya makilala.

Baka naman lumaki ang ulo dyowa ni Alex pinupuri-puri agad

Baka naman lumaki ang ulo ng bagong ka­re­lasyon ni Alex Gonzaga na nagnga­ngalang Mikee Morada. Sinasabi kasi maging ni Toni Gonzaga na kauna-unahang manliligaw ni Alex na guwapo ang boyfriend nito at umak­yat ng kanilang bahay para manligaw.

Si Piolo Pascual ang nagsilbing tulay para magkakilala at mauwi sa totohanan ang dalawa. Ayaw sana ng parents ni Alex na magka-boyfriend ito dahil baka kapag hindi natuloy ay mawala ito sa huwisyo. Pero si­gu­ro ay magkapalaran talaga ang dalawa dahil nauwi sa totohanan ang ligawan nila na kahit bago pa lamang ay alam mong mauuwi sa maganda dahil parehong nagmamahalan ang dalawa.

At dahil non-showbiz, wala ring dapat ipagselos ang bagong BF sa kanyang GF dahil puro wholesome ang mga role nito at talagang may sense of humor.

Kabataan sa Music Hero mga talented

Sold na sold ako sa Music Hero ng Eat Bulaga, siguro dahil music person ako. Ang gagaling ng mga kabataang sumasali rito na sa husay ay alam mo na maliit pa silang mga bata nang magsimulang mag-aral tumugtog ng musical instruments. Hindi ko lang gusto ‘yung pinaglalaban nila ang wild card holders sa defending champions. Kapag natalo ang kampeyon parang tsamba lang ‘yung unang panalo niya. Buti na lamang at bibihira ang wild cards na nananalo sa mga champion. Unfair sa mga nauna nang nanalo. Katulad din ng pasyang i-gong ‘yung mga finalist sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime na nakakahiya na since nanalo na sila. ‘Yung pag-gong lang sa mga daily contestants ay nakakahiya na eh ‘di lalo na sa finalists.

MAXINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with