Kris at mga anak, absent sa binyag ng panganay nina James at Michela, Kris Bernal hindi umubra sa ABS-CBN?!
PIK: Si QC Mayor Herbert Bautista ang pinaka-proud sa lahat pagkatapos niyang mapanood ang pelikulang Ilawod sa celebrity screening nito na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall nung kamakalawa ng gabi. Puring-puri nito ang anak na si Harvey Bautista na magaling sa pelikula.
Bumagay kay Harvey ang role na hindi nagpatalo sa galing nina Iza Calzado, Ian Veneracion, Xyriel Manabat, at Therese Malvar. “Mas magaling pa siya sa akin. Naiyak ako,” natatawang pahayag ni Mayor Herbert.
Sa January 18 na ang showing ng Ilawod at halos iisa ang reaksyon ng karamihan sa taga-showbiz, sana raw ay nahabol ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil tiyak na matataypan ito ng audience ng taunang filmfest.
PAK: Hindi nakarating ang magkapatid na Joshua Aquino at Bimby Yap sa binyag ni Baby Michael James na anak nina James Yap at Michela Cazzola. Dumalo ang close friends ni James sa sports at showbiz, pero ang hinanap sa Sanctuario de San Antonio hanggang sa reception na ginanap sa Ayala Alabang ay ang mga anak ni Kris Aquino.
Isa pala sa tumayong ninang si Atty. Lorna Kapunan na close rin kay James.
Hindi na kami sinagot ni James sa tanong namin kung bakit hindi pinapunta ni Kris sina Joshua at Bimby. Nung bago pa ang binyag, sinabi naman ni James sa aming hindi pa nag-confirm sina Kris. Nakita lang namin sa Instagram account ni Kris na dumalo sila sa
birthday party ng kanyang brother-in-law, kaya siguro hindi kakayaning tumuloy pa sila sa naganap na binyagan.
Pagkatapos ng binyag ay ipinakita na nina James at Michela ang buong mukha ni Baby MJ. Sabi naman ni James, ready na rin daw si Michela na ipakita ang buong mukha ng kanilang anak. Tuwang-tuwa ang mga nakadalo sa binyag dahil mukhang showbiz na showbiz din daw si Baby MJ na tuwang-tuwa kapag kinukunan ng litrato.
BOOM: Inamin ni Kris Bernal na nakipag-meeting siya noon sa mga taga-ABS-CBN 2 para mapag-usapan ang posibleng paglipat niya ng network.
Saad ni Kris nang makausap namin sa Showbiz Talk Ganern ng DZRH, “Hindi ako magsisinungaling, kasi totoo naman ‘yun.
“Siyempre, in my 10 years in the industry parang…I’m already 27, so nasa point na I can decide on my own. Naisip ko what if subukan ko ‘yung ibang kaya kong gawin para ma-maximize yung capabilities ko. Bakit hindi ko i-try?
“Pero kaya rin ako nag-stick sa GMA, because naniniwala ako sa kanila ‘yung kung ano mang potential meron ako, parang sila pa rin ang maglalabas nun sa akin.”
Nilinaw din niya na hindi drama ito dahil gusto niyang magpataas ng presyo sa GMA-7.
- Latest