^

PSN Showbiz

Mainstream walang binatbat sa paramihan, Indie films namayagpag noong 2016!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Ilang pelikula kaya ang ipapalabas ngayong 2017?

Last year, 2016, 56 films ang nag-apply sa Cinema Evaluation Board (CEB) para magkaroon ng grade – A or B.

More or less ‘yun na ang total number of films na na-produce sa buong taong lumipas. Lahat halos ng mga pelikula ay nag-a-apply sa CEB para magkaroon ng tax rebate na 100% for grade A and 65% for grade B.

Sa 56 films na nag-apply sa CEB for quality grading, 48 lang ang nabigyan ng favorable grade. Kaya 8 doon ang hindi nabigyan ng grade.

Actually mas maraming napalabas na movie noong 2016 kesa noong 2015. Yup, noong 2015, 40 films lang ang nag-apply sa CEB at 33 sa 40 ay nagkaroon ng grade. Eleven ang grade A at 22 ang grade B. Meaning 7 ang hindi pumasa sa mga criteria na pinagbabasehan ng mga member ng CEB.

Combination ang mga nasabing bilang ng mainstream and indie films.

Sa nakita kong listahan ng mga pelikula, mahigit lang 10 ang mainstream sa 56 films na ‘yun noong 2016. Ibig sabihin, 80 percent doon indie films.

Kasama na sa 56 ang mga ipinalabas sa katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF) na karamihan sa pumasok sa Magic 8 ay indie films.

Sa pagpasok ng bagong taon, dalawang pelikula na ang naipalabas sa mga sinehanang Mang Kepwengs starring Vhong Navarro at Extra Service ng Star Cinema starring Arci Muñoz, Coleen Garcia and Jessy Mendiola

Wala pang indie na ipinalalabas pero nakalinya ang Tatlong Bibe, Moonlight Over Baler, Across the Crescent Moon at ang Ilawod.

Ang tatlong unang nabanggit ay pawang hindi pinalad sa MMFF.

Sa mainstream naman ay ipalalabas ang Foolish Heart ng Regal Films starring Jake Cuenca and Angeline Quinto directed by Joel Lamangan sa January 25.

Ilang mainstream kaya ang mapapanood sa mga sinehan? Ang Star Cinema ay may pang-Valentine presentation – My Ex and Whys nina Enrique Gil and Liza Soberano. Ang iba pang nakalinya so far ay ang Luck at First Sight ng Viva Films starring Jericho Rosales and Bela Padilla, ang Dear Future Husband, ang balik-tambalang pelikula nina John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo. Meron din sinasabing movie nina James Reid and Nadine Lustre at ang Once in A Lifetime ni Piolo Pascual and Yen Santos sa Regal Films. Pero wala pa raw itong playdate dahil hindi pa tapos ang shooting.

Ang tiyak na mamayagpag this year ay ang indie films. Ang mga prinoduce ng Tuko Films, Buchi Boy Productions and TBA Films, na producer ng karamihan sa indie films na pinalalabas lately ay maraming nakalinyang proyekto.

Kaya abangan natin kung aasenso ang bilang ng mga pelikulang ipalalabas this year o kung tuluyan na nga bang tatamlay ang pelikulang Pinoy.

Ibang Miss U candidates, natakot sa tanim-bala/ laglag-bala!

Miss Malaysia at Miss Chile

Sa takot siguro ng ibang kandidata sa Miss Universe na mabiktima ng tanim-bala/laglag-bala (meron pa ba?), naka-wrap ng plastic ang mga maleta nila nang lumapag sa NAIA. Yup, nakakaloka. Matagal-tagal na rin actually ang insidente ng tanim-bala/laglag-bala sa airport natin pero hindi pa pala ‘yun nabubura sa kamalayan sa ibang bansa kaya naniguro ang mga kandidata nila.

Ilan daw sa mga nakitang nakabalot sa plastic ang maleta ay ang Miss Malaysia, Miss Kazakhstan, Miss Chile, Miss Paraguay, Miss Netherlands, at Miss Bulgaria.

CINEMA EVALUATION BOARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with