Mommy Dionisia, may gagawing launching movie!
Showing na sa March 1 ang pelikulang Tatlong Bibe. Ang original plan ng director na si Joven Tan ay gawin itong Pamasko. Sumakto naman na hindi napasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 dahil ang basic plot ng sumikat uling nursery rhyme ay give love not only on Christmas Day.
Yup, hindi lang basta kababawan ang kuwento ng pelikula na Tatlong Bibe, tungkol ito sa pagmamahal, pag-asa, pagbibigay, at pagpapatawad.
Starring sa movie sina Eddie Garcia, Rita Avila, Sharlene San Pedro, Victor Neri, Edgar Allan Guzman, Luis Alandy, Ronnie Lazaro, Dionisia Pacquiao, Anita Linda, JK Labajo with the special participation of Ms. Angel Aquino.
Pinagbibidahan naman ito ng tatlong rising Kapamilya child stars na sina Marco Masa (Nathaniel), Raikko Mateo (Honesto) with The Voice Kids 1st Grand winner Lyca Gairanod.
Ang Regis Films and Entertainment ang producer ng Tatlong Bibe. Unang sabak nila ito sa pagpo-produce na hindi lang pelikula ang pinaplanong pagpo-produce kundi ganun din sa concerts and events.
Magkakaroon ng premiere ang pelikula sa February 13, Monday at Cinema 9 SM Megamall at sa March 1 ang commercial exhibition.
At naghahanda na ang Regis Films para sa launching movie ni Mommy Dionisia. Yup, as in meron siyang solo movie na gagastusan ng baguhang film company.
Eh dito sa Tatlong Bibe hindi nagpatawa si Mommy D. Serious ang role niya ayon kay Direk Joven Tan. Yup nagpa-serious ang Mommy D. ni Sen. Manny Pacquiao kaya kakaiba naman ang makikita sa kanya.
Pero tiyak ang aabangan ngayon ay kung ano ang gagawin niya sa kanyang launching movie.
Edgar Allan ipinagdadamot ang lovelife
Wala pa sa plano ni Edgar Allan Guzman na pakasal. Pero ayaw naman niyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang girlfriend.
“Ayoko pong magsalita. Basta this year po, I’ll make it up po. Ayoko lang po talaga,” sabi niya kahapon sa presscon para sa Tatlong Bibe sa tonong nakikiusap.
Hindi nawawalan ng trabaho si EA kaya naman nagpapasalamat siya.
Ito nga’t umpisa pa lang ng taon, ipalalabas na ang ginawa nilang movie last year. This Valentine may pinaplano siyang concert at hindi pa naman tapos ang Doble Kara na thankful siya na inabot ng isang taon at kalahati ang nasabing serye.
At sa rami nga ng raket niya nakabili siya ng bagong kotse.
“I’m happy and proud to say na hindi man ‘yung naipangako kong bahay, lupa po, nakakuha ako para sa pamilya ko. Tapos, this year ko po planong patayuan. Kaya trabaho talaga.
“Nakaplano na po talaga. Kasi last year, parang hindi pa pumapasok sa akin na ‘uy, kailangan kong mag-ano na para sa pamilya ko. Ngayon, parang ‘yung utak ko, biglang nagbago na may timeline na agad. O, kailangan, March, ang bahay na ‘yan, tapos after nu’n, negosyo naman para papaikutin mo na lang,” pahayag niya kahapon.
Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis
- Latest