^

PSN Showbiz

Boobay kating-kati nang kumita ng pera

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kating-kati nang bumalik sa trabaho ang na-stroke last November  na singer-come­dian na si Boobay (Norman Babuena) dahil bukod sa trabaho ay nami-miss na niya ang kanyang mga kasamahan.

Nagpasalamat si Boobay una sa Diyos at sa mga taong tumulong sa kanya dahil muli siyang nabigyan ng pangalawang pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay.

Isa sa maraming tumulong kay Boobay nung siya’y isugod at ma-confine sa paga­mutan ay ang kaibigan niyang si Marian Rivera.

Batang ina nahuling inirerekord ang pelikula ni Vhong!

Masaya ang pitong baguhan at young producers ng Cineko Productions na maganda ang reception sa takilya ng kanilang unang produced movie, ang Mang Kepweng Returns na pinagbidahan ni Vhong Navarro at idinirek ni GB Sampedro na nagbukas sa mga sinehan nationwide last Wednesday.

Napanood namin ang movie na ginanap sa Cinema 1 ng Trinoma last Thursday at kami man ay nagandahan sa pagkakagawa. Naroon lamang ang aming pang­hihinayang na hindi ito naka­lusot sa panlasa ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Screening Committee dahil pambata at pang-buong pamilya ang pelikula na siyang audience at crowd ng MMFF.

Ganun pa man, masaya pa rin ang  mga produ­cer ng pelikula ni Vhong na kahit hindi festival ay tinatangkilik pa rin ito ng mga manonood laluna siguro sa araw na ito ng Sabado at Linggo.

Masaya namang ibinalita ni Vhong sa It’s Showtime na dahil sa tagumpay ng Mang Kepweng sa ta­kil­ya ay magkakaroon na siya ng follow-up project sa Cineko Productions, ang The Adventures of Mang Kepweng na malamang idirek pa rin ni Direk GB.

Ang Mang Kepweng Returns ay birthday offering bale ni Vhong who turned 40 sa pagbubukas mismo ng pelikula sa mga sinehan last January 4.

Samantala, isang batang ginang naman ang nahuli ng security guard ng SM Cinema Taytay sa Taytay, Rizal nung Huwebes  ng gabi, January 5 ang nagre-record sa pamamagitan ng kanyang dalang cellphone ng pelikulang Mang Kepweng Returns. Agad dinala ang ginang sa pinakamalapit na presinto sa Taytay.

Nahaharap ang ginang sa paglabag ng Republic Act 10088 o Anti-Camcor­ ding Law Act of 2010 na ang penalty ay hindi bababa ng P750,000 o pagkakakulong na hindi bababa ng anim na taon.

Kasama ng ginang ang kanyang mga batang anak sa loob mismo ng sinehan.

Nang ito’y makarating sa kaalaman ng mga producer ng pelikula ni Vhong agad sumugod sa presinto ang isa sa kanila na si Michelle Diolola kasama ang abogado ng kumpanya na si Atty. Tyron Alvarez.

Nasa ikalawang araw pa lamang ng showing ng pelikula nang mahuli ang ginang.

­

GB SAMPEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with