^

PSN Showbiz

Hindi nagtitira kahit mumo female personality tirador ng pagkain at produktong pasampol sa morning show!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaaliw ang iba-ibang kuwentong nakarating sa aming source tungkol sa isang female personality na dating host ng isang morning show.

Natural, may segment ang programa kung saan nag-iimbita sila ng maliliit lang namang negosyanteng may gustong ipakilalang produkto sa ating mga kababayan, ‘yun ang segment na inangkin ng female TV host.

Kasi nga, pagkatapos kuno ng interview sa guest, agad na niyang kukunin ang mga produktong ipinakita nila sa manonood. Pati ang mga props, kinakarir niya, iniuuwi niya talaga.

Kuwento ng aming source, “’Yun na talaga ang naging ugali niya. Kahit anong produkto pa ang i-advertise nila sa show, siguradong iuuwi niyang lahat ‘yun pagkatapos ng interview.

“Ang nakakaloka, kahit konti lang, e, hindi siya nagse-share sa mga kasamahan niyang hosts, iniuuwi niyang lahat, talagang inari na niyang kanya lang ang segment na ‘yun!

“Pagkatapos mismo ng interview, nakabantay na sa set ang PA niya, alam na nu’n ang dapat niyang gawin. Kukunin niyang lahat ang mga pagkain sa set, ibabalot, saka dadalhin na sa sasakyan ng female TV host,” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Aminado naman ang female personality na malaking kabawasan sa kanyang gastos sa bahay ang segment na hinahawakan niya. May pagkain, may panglinis ng sahig, may pagkain ng mga hayop, may panglinis ng mga pinggan at kung anu-ano pang produkto.

Dinededma na lang siguro ng female TV host ang mga pabulong na kuwentuhan sa studio tungkol sa kanya. Wah na lang siya talk, ang pag-uuwi ng mga produkto ang mas mahalaga sa kanya, dahil nakatitipid siya.

“E, kumikita naman siya? Kumikita rin naman ang husband niya? Bakit pa niya kina-career ang pag-uuwi ng mga produkto? Nakakahiya talaga ang babaeng ‘yun, mapagsamantala siya!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay sa 20th floor.

Ubos!

Birthday wish ni Vhong natupad, Mang Kepweng nadagdagan ng mga sinehan

Masayang-masaya ngayon ang mga prodyuser ng Mang Kepweng Returns ni Vhong Navarro dahil nakalusot ang kanilang pelikula sa takilya. Ang unang 100 theaters lang nila ay nadagdagan agad, nu’ng Miyerkules nang hapon ay 136 na sinehan na ang pinagpapalabasan ng komedyang pelikula ni Vhong, kaya maligaya ang birthday boy.

Nu’ng umagang ‘yun ay kabadung-kabado si Vhong. Kahit ang direktor nilang si GB Sampedro ay hindi mapakali. Madalas naman naming kausap-ka-text ang prodyuser na masayang-masaya sa mga report na tinatanggap nito mula sa Viva Films na nag-release ng Mang Kepweng Returns.

Nakalusot si Vhong Navarro! Pinagbigyan ng mga tagasuporta ng magaling na dancer-actor-TV host ang kanyang hiling na sana’y ang panonood ng pinagbibidahan niyang pelikula ang iregalo sa kanya ng grupo.

Balik-pelikula niya ang Mang Kepweng Returns, dumating sa kanya ang proyekto pagkatapos ng mga paghamong pinaglabanan niya, matindi ang pasasalamat niya sa Cineko Productions na nagbigay sa kanya nang isandaang porsiyentong tiwala at paniniwala na makakaya niyang pagtagumpayin ang pelikula.

Napakalaki ng tulong na ibinigay kay Vhong ng It’s Showtime at ng kanyang mga kapwa hosts sa pangunguna ni Vice Ganda. Hindi siya pinagdamutan ng suporta ng kanyang mga kapatid sa network.

Masasaya na ang mga prodyuser ni Vhong sa positibong resulta sa box-office ng pelikula, pero may Sabado at Linggo pa, ang mga araw na inilaan ng ating mga kababayan para makihalakhak sila sa pelikula ni Vhong.

At ang pinakamahalaga ay lumalabas sa sinehan ang manonood na nakangiti dahil hindi nasayang ang panahon at pera nila. Nakakaaliw ang Mang Kepweng Returns, hindi tinipid ang proyekto, kaya naibigay ni Direk GB Sampedro ang lahat ng hinahanap ng manonood sa unang pagtatangka ng Cineko Productions.

Congratulations, Vhong Navarro, maligayang bati sa lahat ng mga artista ng Mang Kepweng Returns at sa Cineko!

MANG KEPWENG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with