^

PSN Showbiz

Best Picture Award hindi nakatulong Sunday Beauty Queen aalog-alog pa rin ang nanonood sa mga sinehan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

How sad naman ang balita na nakara­ting sa akin na hindi napupuno ng audience ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng Sunday Beauty Queen, kahit ito ang Best Picture ng 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nadagdagan daw ang viewers ng Sunday Beauty Queen pero ang Die Beautiful pa rin ang pinipilahan, as in all seats taken sa mga sinehan ng blockbuster movie ni Paolo Ballesteros kaya deserving ito sa Audience Choice Award.

Hindi pa huli ang lahat dahil showing pa sa mga sinehan ang Sunday Beauty Queen. May panahon pa ang mga pihikan na moviegoers na panoorin ang documentary movie tungkol sa mga kababayan natin na working as domestic helpers sa Hong Kong.

Alden inilipad sa countdown ng GMA

Maulan ang pagpasok ng 2017 sa Metro Manila at sa ibang mga probinsya pero hindi naging sagabal ang masungit na panahon para hindi puntahan ng madlang-bayan ang Lipad Kapuso 2017, ang New Year countdown ng GMA-7 sa SM Mall of Asia Seaside noong Sabado.

Dedma sa ulan ang mga tao na excited na makita ang kanilang favorite Kapuso stars sa pangunguna ni Alden Richards.

Bongga ang grand entrance ni Alden dahil nakasakay siya sa isang crane na nagdala sa kanya sa stage. Malakas na palakpakan at tilian ang sumalubong sa kakaiba na entrance ni Alden.

Mula nang maging talent siya ng GMA-7, always present si Alden sa mga New Year Countdown ng mother station niya. Naniniwala kasi si Alden na masuwerte kapag nagtatrabaho ang isang tao sa unang araw ng taon.

Kris Bernal malabong makatawid sa Kapamilya

Umapir sa Lipad Kapuso 2017 si Kris Bernal na napabalita na mag-oober da bakod sa ABS-CBN.

Walang katiyakan kung matutuloy ang plano ni Kris pero kung ang kanyang fans ang tatanungin, mas gusto nila na manatili siya sa Kapuso Network dahil dito nagsimula ang kanyang showbiz career.

May mga bitchy comment naman na kung si Kris Aquino nga, hindi makabalik sa Kapamilya Network kaya paano makakapag-ober da bakod si Kris Bernal sa ABS CBN?

Vhong tatlong taon nang umaasam ng katarungan

Birthday presentation pala ni Vhong Navarro ang Mang Kepweng Returns.

Turning 40 years old si Vhong sa January 4 at ito rin ang playdate ng pelikula niya.

Ang maging blockbuster ang Mang Kepweng Returns ang birthday wish ko para kay Vhong na isa sa mga pinakamabait na komedyante at dancer na kilala ko kaya good karma siya.

Wish ko rin na mabigyan na ng justice ang traumatic experience ni Vhong noong January 2014 sa kamay ni Cedric Lee at ng mga barkada nito.

Dinalaw ko si Vhong nang ma-confine ito noon sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City kaya nakita ko nang personal ang pamamaga at mga sugat sa kanyang mukha at katawan.

Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente pero hanggang ngayon, walang resolution ang kaso.

Mapasakamay na sana ni Vhong ang hustisya sa panahon ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Barbie gagawing diyosang-diyosa

Diyosang-diyosa si Barbie Forteza sa role niya sa Meant to Be dahil apat na mhin ang nag-aagawan sa atensyon niya, sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Jak Roberto at ang newcomer na si Addy Raj.

Ang Meant to Be ang bagong primetime feel good teleserye ng GMA-7 na magsisimula sa January 9, 2017.

Ang Meant To Be ang kapalit ng Someone to Watch Over Me na magbababu sa ere sa darating na Biyernes, January 6.

SUNDAY BEAUTY QUEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with