^

PSN Showbiz

Patay malisya kinaumagahan: Female personality kung sinu-sino na lang ang hinahalikan ‘pag lango sa alak!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nawiwindang sa mga pinaggagagawa ng isang female personality kapag nalalasing na siya. Naging madali ang paraan ng pagpasok sa showbiz ng babaeng ito dahil ang naging pasaporte niya sa pag-aartista ay ang ginawa niyang TV commercial na tumatak sa isip ng publiko.

At kahit pa hindi naman siya lasing ay kakaiba ang kanyang trip. Nu’ng minsang bumiyahe ang female personality kasama ang mga artista sa istasyong pinagseserbisyuhan niya ay gumawa siya ng isang bagay na mahirap intindihin.

“Ihing-ihi na siya, pero hindi naman siya nagsabing pahintuin ang van nila sa isang place kung saan siya makakadyinggel. Ang ginawa niya, e, umihi siya sa isang plastic, umaawas ang pinag-ihian niya, pumanghi ang paligid.

“Itinapon niya ang plastic habang tumatakbo nang mabilis ang van kaya natural, inasinta pa muna niya ang pagtatapon ng plastic na pinagdyinggelan niya!

“Ano ang nangyari? Biglang umambon sa sasak­yan! Naambunan ng ihi niya ang mga nakaupo sa bandang hulihan ng van, kadiri ang babaeng ‘yun!” napapailing na pag-alala ng isang source sa kahitaran ng babaeng personalidad.

Kapag nakakainom siya ay soooobraaaang wild ng female personality. Kahit hindi niya naman kilala ang mga nakapaligid sa kanya, niyayakap-yakap at hinahalikan niya, hindi siya nahihiya sa mga inaasal niya.

“Grabe ang babaeng ‘yun! Wala siyang kahihiyan! Ginagawa niyang passport sa mga kalokahan niya ang alak! Nagiging wild siya, para siyang ibon na nu’n lang nakawala sa hawla!

“Saan ka naman makakakita ng babaeng nakikipag-lips-to-lips sa lalaking ni hindi nga niya kakilala? Pero keri lang sa kanya ang ganu’n, hindi siya nahihiya, go lang siya nang go!

“Kapag tinanong mo siya kinabukasan kung alam ba niya ang mga pinaggagawa niya, e, simple lang ang sagot niya. Ano raw ‘yun? Bakit daw niya gagawin ‘yun? Wala siyang kaalam-alam na halos magwala na siya nu’ng lasing na lasing siya!” kuwento pa rin ng aming source.

Ubos!

Blakdyak namatay nang hindi nakilala ang mga magulang

Anak ng isang marinerong Egoy sa isang Pilipina ang namatay na singer-komedyanteng si Blakdyak. Tatlong buwan pa lang siya nang iwan ng kanyang ina sa isang mag-asawang hindi nila kaanu-ano sa Olongapo.

Masayahin si Blakdyak pero kung dudukutin mo ang kanyang puso ay nakaipon du’n ang sobrang kalungkutan dahil retrato lang ng kanyang ina ang nakita niya. Iniwan ‘yun ng kanyang nanay nang tuluyan na itong umalis, lumaki si Blakdyak na hindi alam ang kanyang ugat, basta ang alam lang niya ay Amerikanong Negro ang kanyang ama.

Kakambal ng singer-comedian ang kalungkutan sa kanyang paglaki, pati ang pagtawag sa kanya ng baluga ng kanyang mga kapwa bata, kaya nu’ng minsan ay naglayas siya at napadpad siya sa Maynila.

Kung anu-anong trabaho ang pinasukan niya para lang siya mabuhay, hanggang sa sumali na siya sa Singing Cooks & Waiters, ang grupong binuo ng negosyanteng si Tito Rod Ongpauco na kumakanta sa mga restaurant nito.

Du’n na nagsimula ang kanyang singing career, ipinatawag siya ng Viva Records, isang album agad ang kanyang ginawa kung saan kabilang ang mga piyesang Bikining Itim, Good Boy, Kabilugan Ng Buwan, at ang kinaaliwang piyesa ng buong bayan na Modelong Charing.

Siya lang ang nakapagbibigay ng hustisya sa mga piyesang reggae, wala siyang kapaguran sa entablado, para siyang jukebox na kung ano ang hilingin mong kanta ay hindi siya nagdadamot.

Pero sa kabila ng kanyang pagkokomedya ay ipon na ipon ang lungkot at mga tanong sa kanyang puso, hindi kumpleto ang kanyang buhay, dahil kahit minsan ay hindi niya nakita-nakilala ang kanyang mga magulang.

Naghanap siya, pero hindi niya nakita ang kanyang ama’t ina, kaya isang araw ay naghanap siya ng mapagsusumbungan at kakampi sa bisyo ng droga.

Napakahalaga ng ginagampanang papel ng pamilya sa ating buhay. Para rin tayong halaman na mabuhay man ay hindi magtatagal dahil sa kawalan ng ugat na paghuhugutan natin ng lakas at pagmamahal.

Isang mapayapang paglalakbay sa kabilang mundo kay Joey Formaran na naging gamot sa kalungkutan ng ating mga kababayan.

BLAKDYAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with