^

PSN Showbiz

Dennis at Jennylyn, todo ang ka-sweetan sa abroad!

BITAG - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis at Jennylyn, todo ang ka-sweetan sa abroad!
Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

MANILA, Philippines – At least, lantaran na ang relasyon nina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado. As in show off na ang sweetness nila ng actress.

Magkasama sila sa Amsterdam na nagbakasyon at kahapon ay magkayakap sila sa photo na ini-upload ni Dennis sa kanyang Instagram account.

Si Dennis ang naging sandalan ni Jennylyn nang nawala ang kinilalang ina ni Jennylyn na si Aling Lydia kamakailan.

 

Ethel Booba

Kahit hindi writer libro ni Ethel nagkakaubusan

Dahil sa libro ni Ethel Booba, marami ngayong nagkaroon ng pag-asang ma­ging book author na rin. Hindi mo nga naman kailangang maging magaling na writer para magka-libro. Magaling lang ang humor mo, ayos na.

‘Yan ang naging kapalaran ni Ethel Booba na kilala na ngayon bilang Ethel Bookba. Oh yes, change image na ang da­ting komedyang may pagka-‘lukring.’

Pumatok kasi ang mga joke niya sa Twitter kaya naman nakatawag ito ng pansin para gawan siya ng libro na compilation ng kanyang kakaibang humor. Pinamagatang Charotism: The Wit and Wisdom of Ethel Booba, ito ngayon ang ‘trending comedy book para sa matatalino.’ Collection ang libro ng mahigit 200 jokes niya ng iba’t ibang topic mula sa politics and society, love and romance, entertainment and beauty and fitness.

Mababasa rin sa libro ang mga biggest hit tweets niya at ilang exclusive content kasama na ang life hack tips and actual crossword puzzle na pawang nakakatawa pero may katuturan.

In all fairness, mabenta ang libro ha. Maraming sosyal ang nagbabasa. At balitang may ibang lugar na nagkakaubusan ng kopya.

The book is now exclusively available in National Bookstores and Powerbooks nationwide.

 

Working Beks cast

Edgar Allan may aaminin sa Working Beks

Hindi lang puro kabaklaan ang kuwento ng pelikulang Working Beks na pinagbibidahan nina TJ Trinidad, John Lapus, Edgar Allan Guzman, Prince Stefan and Joey Paras.

May katuturan ang pelikula na dinirek ni Chris Martinez for Viva Films na Graded B ng Cinema Evaluation Board  (CEB) at showing na sa darating na Miyerkules.

Magkakaiba ang buhay nilang lima sa pelikula. Si TJ ay isang executive ng isang company na inasahang mapo-promote pero dahil sa kanyang kabadingan ay hindi nangyari dahil galit pala sa bading ang kanyang mga bossing.

Si John ay isang matiyagang beki na masarap magluto at may maliit na puwesto sa isang lugar na commercial area habang si Edgar Allan ay isang matinee idol na may kumalat na sex video kasama ang isang lalaki at nagpasabog sa isang interview tungkol sa kanyang totoong kasarian.

Si Prince ay isang beking mahilig sa tsugi. Pero natakot siya dahil nakaramdam siya ng signs ng pagkakaroon ng HIV. At si Joey Paras ay isang beki na nagplanong pakasal na  hindi alam ang gagawin kung itutuloy ba ang kasal o hindi, sa kanyang kaibigang babae na mahal na mahal niya.

Magaling silang lahat at sa ending ay lahat may aral na mapupulot sa mga nangyari sa buhay ng limang beki na hindi lang naman puro kalandian ang inaasikaso, inaalala rin nila ang kanilang buhay.

May special participation si Bela Padilla sa movie at hindi kalaswaan at ka-cheapan ang mga dialogue nila.

Showing na ang movie starting Wednesday, November 23.

vuukle comment

DENNIS TRILLO AND JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with