^

PSN Showbiz

Walk of Fame ni Kuya Germs tuloy pa rin

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

First time na hindi si Kuya Germs ang pipili ng celebrities na bibigyan ng istrelya sa Walk of Fame at kikilalanin para sa natatangi nilang kontribusyon sa larangan ng show­­biz. Matatandaan na mag-iisang taon na nang mamayapa ang star builder at Master Showman matapos itong ma-cardiac arrest, pero ang pamumuno sa Walk of Fame ay iniwan niya sa kanyang nag-iisang anak na si Federico Moreno na sa tulong ng ilang mga kaibigan at mga supporter ng namatay na TV host ay nagawa pang makapili ng 15 pangalan ng celebrity na madaragdag sa may mga bituin na sa Eastwood ngayon buwan ng Disyembre. Sila sina Liza Soberano, John Arcilla, Jennylyn Mercado, Angelica Panganiban (movies); Jodi Sta. Maria, Shaina Magdayao, Barbie Forteza (TV); Ted Failon, Luchie Cruz-Valdez, Susan Enriquez (News and Public Affairs); Pepe Smith, Willy Cruz (music); at Zeneida Amador (theater). Isang parangal ang naghihintay sa 15 na napili sa buwan ng Kapaskuhan.

Dingdong mas relax sa mga Kapamilya kaysa kay Dennis

Obviously na hindi para tumaas ang rating ng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes kaya kinuha para maging kontrabida sa serye ang batikang aktres na si Dina Bonnevie. Sinusubaybayan na ang programa, pero isinama pa rin siya sa serye dahil sa kanyang kagalingang umarte.

Speaking of Dingdong Dantes, ang pambatong artista ng Kapuso Network na umapir sa programa ni Boy Abunda ng Kapamilya Net­work hindi para sa promosyon ng ARH kundi ng pelikula nitong kasama ang Kapamilya artists na sina Angelica Panganiban at Paulo Avelino. Mukhang mas relax sumagot sa tanong ng King of Talk si Dingdong kaysa sa nauna na sa kanyang lumabas sa show na si Dennis Trillo.

Obvious na mas sanay si Dingdong na makaharap ang mga Kapamilya dahil pangatlong pelikula na niya sa kabilang network ang ipinu-promote niya.

Kakayahan ni Angelica hindi kinuwestiyon nina Dingdong at Paulo

Wala namang kukuwestyon sa kagalingan ni Angelica Panganiban bilang artista. Kaya nga kuntento sina Dingdong Dantes at Paulo Avelino na siya ang kapareha sa The Unmarried Wife na kumita sa takilya ng P17-M sa unang araw ng pagpapalabas nito. Dinaluhan pa ang premiere nito ng mga kasamahang artista ni Dingdong sa GMA kasama ang misis niyang si Marian Rivera at ng mga Kapamilya artists.

Na-stress lang siguro si Dingdong dahil kinaila­ngan niyang maglagare sa pa-dinner ng produksyon matapos ang screening at sa dinner din na ibinigay ni Marian para naman sa mga kasamahan nila sa GMA.

Mommy Eva dasal na masaya na si BB sa pagiging ‘ganap’ na babae

Malaking atensyon ang kinuha ni BB Gandanghari sa muling paglitaw niya sa eksena ng showbiz na isa nang ganap na babae. Bagaman at walang legalidad na umiiral sa bansa tungkol sa kasarian ng isang tao, masaya ang kapatid nina Robin Padilla at Rommel Padilla na maideklarang isang legal na babae si BB sa Amerika.

Dasal lang ng pamilya niya lalo na ng kanyang inang si Eva Cariño na talagang natagpuan na niya ang kanyang happiness sa bago niyang katauhan.

WALK OF FAME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with