^

PSN Showbiz

Mga bokya sa MMFF kailangang mauna sa festival

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

By now ay alam na ng lahat ang 8 official entries na kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival matapos itong ihayag kahapon ng pamunuan sa Club Filipino, San Juan, Metro Manila.

Since walong pelikula lamang ang kalahok sa MMFF, ang 19 na hindi napili ay kailangang mag­hanap ng play date either bago ang MMFF or after nito sa buwan na ng Enero.

Perfect ang November 30, play date dahil payday-holiday ito at kung mauusog naman sa Enero ang kanilang play date ay makakabangga nila ang malalaking foreign films.

Rufa Mae wala pang plano sa honeymoon?

Anim na araw na lamang ang bi­bi­la­ngin ng singer-comedienne na si Rufa Mae Quinto ay opisyal na siyang Mrs. Trevor Magallanes.

Wala pang sini-share ang soon-to-be couple kung sa Amerika sila magha-honeymoon o sa ibang bansa dahil 7 months heavy na si Rufa Mae sa kanilang magiging first baby. 

Baby girl ang nakatakdang isilang ni Rufa Mae sa buwan ng Pebrero na may naghihintay nang pangalan, Alexandria na hango sa pangalan ng ama ng singer-actress na si Alex Quinto.

Samantala, isang Christian wedding ang magaganap on November 25 sa kasal nina Rufa Mae at Trevor na nakatakdang ganapin sa Blue Leaf Events Place in Ortigas Center.

Jake at Inah may nabuo

Malapit na umanong magtapos ang launching drama TV series na Oh My Mama! ni Inah de Belen, panganay na anak ng estranged couple na sina John Estrada at Janice de Belen.

Kasisimula pa lamang ng Oh My Mama! sa ere last September 19 pero magtatapos na ito.

Tiyak na nanghihinayang ang cast ng serye dahil hindi man lamang uma­bot ng Disyembre ang serye na tina­tampukan din nina Jake Vargas at Jeric Gonzales.

Ganunpaman, masaya pa rin sina Inah at Jake dahil na­ging super close silang dalawa habang ginagawa ang serye.

Ang ex-GF ni Jake na si Bea Binene ay nali-link ngayon sa kaibigan niyang si Derrick Monasterio habang si Jake naman kay Inah de Belen.

Boto kaya kay Jake ang mga magulang ni Inah na sina Janice at John?

Chavit muntik idemanda ang Miss U Organization!

Now it can be told! Apat na beses nakansela ang pagma-mount ng 2016 Miss Universe pageant sa Pilipinas kahit fully-paid na ang businessman-politician na si G. Luis Chavit Singson sa Miss Universe Organization ang mahigit $12-M.

Parang dumaan sa butas ng karayom si G. Chavit Singson para lamang matuloy ang pagsasagawa sa Pilipinas ng Miss Universe pageant. Kinailangan niyang hingan ng tulong ang kanyang mga kaibigan sa Amerika including boxing icon producer Bob Arum dahil ayaw na talagang ituloy ng bagong may-ari ng franchise ang annual and biggest beauty event sa Pili­pinas dahil sa strong pronouncement ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Amerika. May ilang beses ding lumipad ng Amerika si G. Chavit para lamang “mahilot” ang desisyon ng bagong may-ari ng MUO.

Kung hindi naayos ang lahat, magpa-file si G. Chavit ng demanda sa Amerika against MUO for breach of contract pero ang maganda, nakuha sa magandang usapan ang lahat at tuluy na tuloy na ang 2016 Miss Universe sa Pilipinas sa darating na Enero 30, 2017 na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Ang controversial TV host-actor na si Steve Harvey pa rin ang maghu-host ng 2016 Miss Universe kung saan magaganap ang pagputong ng korona ng reigning Filipina Miss Universe na si Pia Alonzo Wurzt­bach sa bagong tatanghaling Miss Universe.

May chance kaya sa korona ang bagong kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe na si Maxine Medina?

Ano sa palagay mo, Salve A.?

vuukle comment

2016 METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with