Gladys hirap sa pagbubuntis!
PIK: Muling nagpaka-active si Rico J Puno sa public service pagkatapos niyang manalo bilang konsehal nu’ng nakaraang eleksyon. Malaki raw ang nabago sa lifestyle niya pagkatapos atakihin sa puso. Kailangan na raw niyang mag-ingat para tuluy-tuloy ang trabaho niya bilang concert artist at pulitiko.
Ani Rico, “Nabago na nga ang lifestyle ko. Hindi na ako masyadong naglalalabas. Saka kailangan ko i-reserve ang energy ko, kasi pulitiko na uli ako.”
Kasama si Rico J sa concert nilang Hitmakers, ang The Best of the OPM Hitmakers na gagawin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa December 9.
Bilang pulitiko naman kung saan muli siyang napiling konsehal ng District 1 ng Makati, may pangako raw siya sa mga senior citizen dito bilang isa na rin siyang senior citizen.
“Ang pangako ko sa kanila dahil 63 years old na ako, tututukan ko talaga ang mga senior citizen
“May libreng sine sila na nari-renew every six months. Ngayon, hiniling namin kay Mayor Abby Binay na gawin nang 1 year,” pahayag ni Rico.
PAK: Congratulations sa bumubuo ng pelikulang The Unmarried Wife na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Paulo Avelino, at Angelica Panganiban dahil malakas ang first day of showing nito nu’ng kamakalawa lang.
Ayon sa aming source, kumita ng mahigit 16-M pesos ang naturang pelikula at inaasahang lalo pa itong lalakas.
Maganda raw ang feedback ng pelikula kaya puwede pang pumick-up lalo na sa darating na weekend.
BOOM: Ayaw lang ikuwento noon ni Gladys Reyes, pero nagkaroon pala siya ng internal bleeding nu’ng unang term ng kanyang pagbubuntis.
Ito raw ang pinakamahirap niyang pagbubuntis kung ikumpara sa tatlong anak niya.
Halos araw-araw daw siyang nagsusuka at nahihilo, at nagka-internal hemorrhage siya.
“Kaya sinabihan ako ng doktor na kailangan ko raw sana ng complete bed rest,” simulang kuwento sa amin ni Gladys.
Hindi raw siya gaanong nagki-crave ng pagkain na paglihian, pero ang mukhang napaglilihian niya ay mismong asawang si Christopher Roxas.
Dagdag na kuwento ng aktres, “Kasi parang gusto ko laging katabi.
“Yung iba kasi, inaaway nila ang asawa nila, ayaw nilang makita, ayaw nilang katabi. Ako naman, lately medyo clingy ako sa kanya.” Kaya ang ending daw, pati si Christopher ay nakakaramdam na rin ng mga sintomas ng naglilihi.
Mabuti na rin daw ito para maranasan ng asawa ang hirap na pinagdaanan niya pag naglilihi.
- Latest